[33] Plans to be Mrs. Lee.

75.4K 813 75
                                    

Ask me anything: ask.fm/MskimWP

- - - - - - - -

Jan:

"Omg! Sissy you are engaged?! OMG OMG OMG! Kailangan ko ng i-tweet yan!"kinuha ni Yhanna ang phone niya at akmang itutweet na nga.


"Oy Yhanna. Wag muna baka magkagulo! Alam mo na, Nuiza fans!"sabi ni Mich. nagpout naman si Yhanna pero sinunod ang sinabi ni Mich.


"Pare magpapatali ka na din? Anong meron sa pagpapakasal ngayon? Uso ba?"sabi ni Ren kay Nathan.

Binatukan naman ito ni Zac.

"Pre hindi porket ikakasal na, pagpapatali na agad nasa isip mo. That means na mahal mo talaga ang babaeng 'yun at magagawa mong magsettle with her at gumawa ng pamilya. Kung ako ang nasa posisyon ni Nate, gagawin ko din iyon lalo na kung alam kong siya na talaga ang babaeng mamahalin ko. Bakit pa papatagalin kung doon naman ang kakahinatnan niyo? Life is short. Kung papatagalin mo pa, baka makaligtaaan mo lang ang tamang pagkakataon."sabi ni Zac. Natahimik naman kaming lahat sa sinabi ni Zac.


"Pre anong nakain mo?"sabi ni Luke dito.

"You're too weird to be our leader."sabi ni Nathan. Pati ata siya nadala sa sinabi ni Zac.


"May pinaghuhugutan ata."sabi ni Charles.


"Eto kasing si Ren lumalabas na naman pagiging hopeless romantic ayan tuloy lumalabas na din pagiging love expert ko."natatawang sabi na lang ni Zac.

"Utot mo Zac. May nalalaman ka pang love expert dyan akala mo naman may babaeng pumapatol sa'yo."sabi ni Marco na katabi ni Mich.


"Sabagay, ganyan ang mga love expert. Ang galing-galing mag-advice pero sa sarili nila minsan hindi ma-apply. At nalimutan niyo na ba? Tandang Zac speaking!"muntik nang batukan ulit ni Zac si Ren pero nakailag ito.


"Uy anong nangyayari? Share naman!"sabi nang kadadating na si Jin. Ikinwento sa amin nina Charles na nagpaalam daw si Jin na ihahatid lang daw niya si Alyzza. Gentleman pala kapatid ko.


"Etong si Zac nagpapakalove expert."sabi ni Ren habang may hawak ng unan mula sa sofa para ipangharang kay Zac na any minute na lang mababato na niya si Ren ng kung anu-ano sa mga pinagsasabi nito.


"Love expert? Hahaha. Matanda ka na nga!"sabi ni Jin dito. Makikisali pa ang kapatid ko. Kelan ba nonormal ang IH7 kapag magkakasama?


*MCB2* Chasing my Contract GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon