[19] New Year New Life. (Part 2)

131K 1.1K 438
                                    

Follow me on twitter @longlostwriter and join in the fb group if you're a fan of this story : longlostwriter's stories

19: New Year New Life (Part2)

Jan:

"Maglalakad lang tayo JL, ha? Gusto ko sanang wala tayong oras na masayang ngayong araw na ito. Last day na natin ito."sabi niya. Last day? Anong last day pinagsasabi nito?


"Last day?"hinawakan niya yung kamay ko at pinisil ito.


"Last day ng last year. Di ba?"tumango na lang ako. Di ko 'yun nagets. Akala ko...


"JL, hindi pa ko nakakakain dito. Gusto mo? Chocolate!"pinisil niya yung pisngi ko sabay turo doon sa sweets shop.

Ang sweets shop na nahuli ako ni Nathan na nagtatago ako sa kanya.

Ang sweets shop na napikon sa akin
si Nathan dahil tinawanan ko siya nung umupong siyang nakasimangot dahil tinapakan ko yung paa niya ang yabang kasi.(xMCB 26x)


Bumabalik-balik ako dito nung mga araw na wala na kami. Na sana makita ko ulit siya dito. Na sana kasama ko siyang kumakain dito at nag-aasaran kami.

"Ayiiieee! Si JL napangiti..... Teka, bakit naiiyak ka din? Ayos ka lang ba?!"nagulat ako sa biglang sigaw ni Kiejan. Hindi ko namalayan na napangiti na pala ako and at the same time, naiiyak.


"Chocolate eh. Tears of joy."pumasok na kami at nag-order.


"Ma'am Jan?"ngumiti ako. Nakilala pa ako ng babae sa counter. Palagi ba naman akong pumupunta dito dati. At dahil na rin siguro nung minsang pumunta kami nina Yhanna at Mich dito. Sobrang ingay kasi ni Yhanna 'nun eh.


"Hello!"ngumiti ako sa kanya at kinamusta siya.


"Hindi napo ba kayo ni Sir pogi? Pinalitan niyo na po ba siya ng pogi din?"nanlaki ang mata ko. Ohmygod. Ang ingay kahit kelan ng babae na'to. 



"Ah he-he."napatingin ako kay Kiejan. Nakatingin lang siya doon sa menu at animo'y walang narinig.



"Mocha cake and Hazelnut Ice cream for me. JL you?"inabot niya sa akin yung menu.



"Double Chocolate Cake and Ferrero Ice Cream."binigay na sa amin yung number namin kaya umupo na kami.


Mga ilang minuto din, na-serve na ang orders namin.


Kumain kami ng matiwasay de joke, puro kalokohan. Paano pinapahidan ako ng icing sa mukha. Ang epal. Nagpipicturan din kami. Ewan ko ba sa kanya. Todo picture.


"Saan naman tayo ngayon pupunta KL?"tanong ko. Katatapos lang kasi naming kumain at nandito na kami naglalakad sa lugar na hindi ko na alam.



"JL tignan mo oh, may amusement park. Tara punta tayo."sabi niya. Tumango ako. Para na rin siguro makapagbonding kami kaya gusto niyang masaya kami ngayon.



*MCB2* Chasing my Contract GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon