Chapter 45: Button

4K 135 38
                                    

Yenn's POV


Pagkatapos maghilamos, I checked my reflection on the mirror. Huminga ako nang malalim at inisip kung paano ako kakain nang hindi nahahanap. Panibagong araw na naman at nandito ako sa Underworld CR ng girls.

Buti natakasan ko ang mga tao. Ano na naman ba kasi 'tong pakulo ni Xyril? Gawin ba namang photo collage ang buong school bulletin board!

Kaninang pagpasok ko, mula sa malayo ay nakita ko nang pinuno niya ng pictures naming dalawa ang board at may mga nakakasuka pang nakasulat. Kaya ngayon, hinahanap ako ng halos lahat ng fangirls niya para ipakita yata sa'kin iyon o para gerahin ako. Hindi ko alam.

Tss. Hirap na hirap na nga akong magtago sa kanya, dadagdag pa ang fangirls niya?

Bago lumabas ay muli kong tinignan ang reflection ko.
Pagkalabas ko naman ay maingat kong tinignan ang paligid.

Clear.

Walang palaka. Walang mga baliw.

Mabilis akong naglakad hanggang sa nakarating ako sa Styx Underclub. Dumaan pa ako sa shortcut na kaunti lang ang tao.

Phew. Mission accomplished!

Nakarating ako sa Styx Underclub nang hindi nakikita ni Xyril. Check!

Nakarating ako sa Styx Underclub nang hindi nakikita ng mga fangirls. Check!

Umupo muna ako sa may counter at saka umorder. Nagtataka siguro kayo kung anong kalokohan na naman 'tong inaatupag ko.

Well, simula kasi noong sinabi ni Xyril ang mga pambobola niya noong birthday ko... simula noong naramdaman ko 'tong mga demonyo sa tyan ko... nilayuan ko siya. I've been avoiding him for three days already.

I don't know. Ayaw ko lang na mapalapit pa lalo. Ayokong dumepende ulit. Alam niyo ba ang feeling na 'yon? Ayoko nang masaktan. Ayoko nang umasa. O maniwala o sumugal.

I didn't want to admit it... but I'm scared.

Tell me I'm a coward, a total loser, or whatever term you have there... I don't care. Kahit ipamukha niyo pa sa'kin 'yan, wala akong pakialam.

Kasalanan ko bang natatakot ako? Natatakot akong mapalapit at magmahal ulit ng taong balang araw ay alam kong iiwan lang din akong durog.

Besides, who knows? Maaaring hindi naman talaga totoo ang sinasabi ng palaka. There's a good chance that everything he's doing is just a tiny detail of his grand scheme to uncover my secrets.

If that's the case, playing right into his hands will just repeat whatever I regrettably allowed to happen to me back in the Philippines. I have no extra time to make such stupid mistakes again.

Sumubo ako ng inorder kong pagkain. Maybe that bastard Kio really managed to leave a huge wound in my heart, and unfortunately, I'm still not done healing.

I've never truly realized how real the trauma he gave me was until today... until I discovered I'm anxious to love again...

Kahit totoo man ang intensyon ng palaka o hindi, my broken and traumatized system is telling me to run away. Kaya habang maaga pa, I need to stay away from him. I need to avoid the frog prince at all costs.

Sigurado naman akong sa ganoong paraan, I can shake this weird feeling off. Siguro naman ay mawawala rin 'to, 'di ba?

Baka sakaling kung ano man 'to ay dahil lang sa pagkamiss ko sa mga taong mahal at iniwan ko sa Pilipinas. Baka sakaling 'yon ang dahilan kung bakit naghahanap ng ibang mamahalin ang puso ko.

Ganoon naman talaga, 'di ba? Whenever your heart is yearning for people far away from you, you tend to search for a replaceme—

"Hey!"

A Gangster's ReignWhere stories live. Discover now