TCTS Chapter 18

624 17 1
                                    

AUDREY'S...

Ara: Sa tingin mo ba bubukas ng kusa 'to at makakapasok tayo ng hindi nagdo-door bell? Tanong ko lang naman.

Hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sina Mika at Ara sa tapat ng gate nina Audrey. Nagda-dalawang isip pa din kasi siya kung tutuloy o hindi.

Ara: Hoy, ano ba? Malapit na kong mainis sa'yo, ha. Kapag wala ka pa ring final na desisyon diyan, iiwanan na talaga kita. Kakausapin mo pa ba siya or hindi?

Mika: Ah-eh, wag na kaya tayong tumuloy? Sa ibang araw nalang. Tara na.

Paalis na sila ng bumukas ang gate. Mama ito ni Audrey. Magtatapon yata ng basura.

Cindy (Audrey's mom): Mika? Ikaw ba yan?

Unang lumingon si Ara pagkatapos ay si Mika.

Cindy: Right, it's you. What are you doing here? Ara, right?

Ara: Opo, magandang hapon, po.

Mika: Ah, ang totoo po niyan, eh gusto po sana... gusto ko po sanang bisitahin at kausapin po si Audrey, kung ok lang po.

Cindy: Of course. Bakit hindi? Sige, hali kayo pumasok kayo.

Nang makapasok na sila ay agad silang pinapasok sa kwarto ni Audrey. Pero bago yun...

Cindy: Hija, alam kong may mga naging kasalanan sa'yo ang anak ko. Ang gusto ko lang sana ay ang maayos na ito at bumalik na sa normal ang lahat. Hindi ko sinasabing bumalik ang dating ugali niya kundi ay sana mapaintindi mo sa kanya ang tama. At kung pwede lang, sana'y maging mahinahon ang pag-uusap ninyo. Yun lang naman sana, hija.

Mika: Wag po kayong mag-alala. Hindi po away ang pinunta ko dito. Gusto ko din po talaga siyang tulungan na makabalik sa dati.

Cindy: Hmm, salamat kung ganun.

Binuksan na ng mama nito ang pinto. Nasa bandang bintana si Audrey. Nakaupo sa isang silya at wari'y nakatulala.

Cindy: Audrey, may bisita ka.

Hindi kumibo si Audrey. Nakaharap pa din ito sa bintana.

Cindy: Sige, maiwan ko na kayo. Nasa baba lang ako kung sakali.

Mika: Opo, sige po.

Silang tatlo nalang ang naiwan sa kwarto. Hindi muna sila kumibo at pinagmasdan muna ang paligid.

Parang hindi ito kwarto ng isang maarteng babae. Malaki ang space pero wala masyadong gamit. Naisip nilang baka dahil sa kondisyon niya. Tama.

Bukod pa doon, ay masyadong magulo ang kama niya. Ang ibang unan ay nasa sahig na at may mga punit-punit na papel din na nagkalat.

Sumenyas na si Ara. Tumikhim naman si Mika bago nagsalita.

Mika: A-Audrey...

Ni hindi man lang gumalaw ito.

Mika: Si Mika 'to...

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya.

Mika: K-Kasama ko si Ara.

Ara: Amm, hi.

Walang ganang sabi nito. Tumayo si Audrey at humarap sa kanila. Doon lang nagulat sina Mika at Ara ng makita ang buong mukha nito. Nagkatinginan silang pareho.

Kung ikukumpara sa itsura niya dati, ay di maikakailang malaki talaga ang pinagbago nito. Wala itong kahit katiting na make up. Ang dating payat nitong mukha ay mas pumayat pa ngayon. Ang mga mata niya ay naglalalim at namumugto. Masyado ding magulo ang buhok niya.

Audrey: Get out.

Ara: Gusto kalang kausapin ni Mika.

Hindi man lang siya nag-abalang tumingin kay Ara. Ang buong atensyon nito ay naka'y Mika.

Audrey: I said get out! Get out! Now!

Mika: Audrey...

Tinignan niya si Mika ng masama.

Audrey: What?! Are you happy now? Are you happy seeing me like this? Ha?!

Mika: H-hindi. Pumunta ako dito para kumustahin ka.

Audrey: Wow ang sweet mo naman! Kumustahin? Bakit magkaibigan ba tayo?

Mika: No, but I heard about what happened, so...

Audrey: You heard about what happened, so you came all the way here to see if I'm really dying. Is that it?

Mika: Shempre hindi.

Audrey: Then what?!

Di nakasagot si Mika.

Audrey: Ok, I get it. Hah! Grabe, I never thought na ganito ka pala kaplastic na tao. You are visiting someone na nagka-ganito exactly because of you? Ang tindi mo.

Ara: Grabe. Ye, umalis na tayo.

Audrey: Oh, and you're here too.

Doon lang siya tumingin kay Ara.

Audrey: Star-studded pala 'tong bahay namin, eh. Dalawang sikat na athlete ang bumibisita sakin. Don't tell me, pati iba niyong members at coach andito din? Nakakagulat ka. Sabagay, nage-gets ko naman ang salitang "publicity". Andiyan na ba ang media? Asan na? Sige, papasukin mo na sila at magyakapan na tayo!

Ara: Sabi nang hindi tayo welcome dito, eh. Umalis na tayo.

Mika: Teka lang.

Audrey: Buti pa 'tong kasama mo marunong umintindi. Eh, ikaw akala ko ba smart ka?

Ara: Hindi niya ko basta kasama lang. Kaibigan niya ko. Eh, ikaw? May dumalaw na ba sa'yong kaibigan mo? Ay, mali. May kaibigan kaman lang ba?

Audrey: Anong sinabi mo?

Ara: Tagos ba?

Hindi na nakatiis si Ara.

Mika: Ara, please.

Ara: Ba't ka pa ba kasi nag-aaksaya ng oras para lang sa lokaret na 'to?

Mika: Wag dito, please.

Hinawakan niya ito sa braso.

Ara: Hindi. Aalis na tayo. (tumingin kay Audrey) Aalis na kami at hindi na kami mag-aabalang bumalik.

Yun lang at iginiya na ni Ara si Mika palabas. Naiwan namang nakanganga si Audrey at tsaka tinapon ang silya sa pinto.

The Charmer & The Sweetheart (A JeMik Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon