TCTS 2 Chapter 4

211 6 1
                                    

DAVE



"We're here! At last gutom na gutom na talaga ako." sabi ko ng makarating na kami sa Food Strip.

Nakababa na 'ko sa kotse pero si Jeron nakatunganga pa din sa loob at tinitignan ang sarili niya sa salamin.

Kanina pa 'to aligaga, ah.

"Bro! Hindi ka pa ba bababa?"

"Tsk napaiksi yata ang gupit ko, eh. Parang hindi bagay."

"Ang OA. Ni wala ngang 1 inch ang kinuha sa'yo, eh. Lika na! Baka mamaya hindi na naman tayo makakain niyan dahil baka magtext  bigla si coach."

"Insan!" Rinig kong sabi sa likod ko.

Nang lumingon ako biglang lumundag at yumakap sakin yung  loko. Si Landon.

"Kumusta na, insan?! Ang tagal nating hindi nagkita, ah. Sinong kasama mo? Ikaw lang ba?"

"Gago, mas tumangkad ka lalo, ah! Okay lang ako. Ikaw, how's London? Nga pala, kaibigan ko si Jeron." sabi ko sabay labas naman ni Jeron sa kotse niya.

"This is my cousin, Landon. The one I'm telling you about. Land, this is Jeron."

"Zup, bro." Kinamayan siya ni Landon at tumango lang naman si Jeron.

"Nice to meet you, pare."

"Tara na, let's go inside." yaya ko.




LIRA

"How excited are you in a scale of one to ten sa date niyo mamaya ni Jeron?" I asked Mika habang papunta kami sa guidance office.

Nag-volunteer siyang samahan ako para mag-file nung form para ma-credit yung ibang subject ko for this term.

"Twelve."

"Naks! Pag-ibig! Sige nga, anong preparations ang ginawa mo? Nakabili ka na ba ng regalo?"

"Hindi naman  materialistic si Jeron kaya hindi na din ako nag-abala pa."

"Oy, kahit na! Yung iba nga sa sobrang kaartehan, sini-celebrate pati daysary. Eh, anniversary niyo na kaya. Dapat lang na mas mag-effort ka. Sa panahon ngayon, konti nalang ang umaabot hanggang one week. Tara, samahan na kitang bumili after nito."

"Tsk! Hindi na nga. Basta may ibibigay pa din naman ako mamaya. Hindi nga lang bagong bili. Pero appreciative naman 'yun kaya ok na."

"Totoo? Sana dinala mo para makita ko."

"Picturan ko."

Sabay ngisi naming dalawa.





LANDON

"San ba ang punta nung kaibigan mo?  Ba't nagmamadali? Di tuloy kami nakapag-usap." tanong ko kay insang Dave nang umalis na yung Jeron.

Dalawa nalang kami ngayong pumapapak sa mga pagkaing in-order ko.

"Anniversary nila ngayon nung girlfriend niya. Nakabili na kami ng regalo kanina pero ewan ko ba, may bibilhin pa daw."

"Ahh... hopeless romantic pala."

"Teka nga maiba ako. Wag siya ang pag-usapan natin. Ikaw!" angat niya sa straw na nasa inumin niya sabay turo sakin.

"Wala ka namang mapapala sakin." de-quatro ko.

"Hindi ka makakapalag dahil iko-corner kita. Ano? Hindi mo pa ko kinukwentuhan tungkol dun sa nangyari sa'yo sa London. How bad was it, huh? Ba't ka biglang pinatapon ng ermats mo dito?"

"Masyado lang akong mahal nun kaya hindi nakatiis na makasama ako dito. Di ba nga, malapit na ang birthday  nun."

Bigla niya 'kong tinapunan ng isang macaroni sabay ilag ko naman.

"Madudumihan ang damit ko, oy!"

"Loko-loko ka kasi. So, ano na nga? Totoo ba 'yung nabalitaan ko?"

"Na nakakain ng pakwan  'yung girlfriend ko? Hah! Mamatay na ang lahat ng kuko ko sa paa, hindi ko aakuin ang bagay na hindi ko naman ginawa."

"So, maling balita ang natanggap ko."

"Insan, you know me so well. Ako ay ikaw. Ikaw ay ako. We both just love to have fun but we exactly know our limits, right? Obviously, yeah we did it. And that's normal! But I swear my whole life, I don't do it  without any protection. Kaya paninindigan ko na hindi akin 'yun. Trust me."

"Girlfriend mo 'yun o ka-fling mo?" may halong pagdududa niyang tanong.

"Hmm... may pinagkaiba ba 'yun?"

"Tsk. Sinasabi ko na nga ba." He crossed his arms.

"Of course, I'm kidding! She was my girlfriend and I loved her so much that we lasted for eight months . Until I discovered one day na... you know... may iba pala siyang ka-lollipop. Tsk! Can you imagine it? How stupid could she actually be? Am I not enough?! Puta kadiri siya."

I tried composing myself.

Of course, I am relax. Ganito lang talaga ako kung magsalita.

May emotions.

LOL.

"So, dapat pala kino-comfort kita. For the first time nadali ka, brad. Londonista pa."

Tawang-tawa naman agad siya.

I sighed.

"Dapat pala hindi nalang ako nag-kwento."






The Charmer & The Sweetheart (A JeMik Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon