TCTS Chapter 9

2.7K 32 36
                                    

"NO PLAN B"

 DAY 1..

Kasalukuyang kumakain ang lahat sa isa sa pinakasikat na resto bar sa Bora, ang MAMA's.

All: Happy birthday Dave!!

Dave: Thanks guys!

Jeron: Dalaga ka na, bro! Hahahaha!

Dave: Ogag!

Jeron: Hahahaha, maiba ako. Sa inyo ata 'tong MAMA's eh. Kalain niyo dito pa talaga tayo kumain. Hehe. 

Mika: Huh? Pano naman naging amin 'to? 

Jeron: Eh, kasi, di ba MAMA = Michele, Ara, Mika, Aby. O, di ba? 

Thomas: Kulang nalang W for Wensh, MAMAW na talaga. Haha. 

Aby: Infairness sa inyo ha, naisip niyo pa talaga yun. Haha. 

Jeron: Shempre, ako pa eh fan ako ng MAMAW. 

Cienne: Ah, so bastusan lang Jeron? Gusto mo uwi nalang ako?  

Jeron: Ops! Hahaha, papahuli ba naman kayong La Salle's triple C? Shempre big fan niyo din ako nina Cams at Cha. Hehehe. 

Cienne: Papel! Halatang nagpapalakas. Hahaha. 

Mika: Hoy! 

Cienne: What? Obvious na naman kayo eh, bakit kayo na ba ha? Haha, sabihin niyo na! Tayo-tayo lang naman dito eh. Geh na!  

Mika: Ewan ko sayo.  

Cienne: Ay oo nga pala, pangit kung sa babae manggaling. So ikaw nalang Jeron, kayo na ba? Aminin niyo na boto naman kaming lahat eh. Hehe. 

Mika: Anong gagawin niyo pagkatapos nito?  

Cienne: Ay change topic! Umiiwas ang dyowsaaaa. 

All: Hahahaha!  

Bryan: O, bro? Oy, Dave! Sinong sina-sight mo jan?

Kanina pa tumatango-tango si Dave habang tinitignan ang mga sexy na babaeng dumadaan sa harap nila.

Dave: Nice, very nice. Hihi. Guys, don't you love the women here in Bora? Very sexy in a blue crush way. Parang gusto ko tuloy mag-surf.  

Thomas: Ako din, gusto kong matry yun. Sana pala nagLa-Union nalang tayo.

Tumayo si Dave at umaktong parang nakatayo sa surfboard.

Dave: Oha oha, ganito tamang angle ng katawan eh. Oha o o.. 

Jeron: Sira ulo talaga 'to.  

Thomas: Onga eh, kung umasta parang di nakapag-aral ah. Oy ulol! Nakakahiya ka hoy, pinagtitinginan ka na oh. 

Dave: Sino, sinong nakatingin? (tumingin sa grupo ng mga babae sa kabilang table) Hi everyone! I'm Dave and I'm very much available. Hehehe. (sabay kindat, parang naumay naman ang mga babae) 

Girls: Hi Jeron!

Gwapo naman si Dave kaso kinulang lang sa height. Di sila nalalayo ni John Pratts. Halatang mukhang chickboy din ito. Pinagtawanan siya ng lahat.

Jeron: (tumango) Upo ka na kasi bro, pati kami nahihiya na sa mga pinangagawa mo eh. Upo na.  

Dave: (umupo) What's with women? Bakit parang ikaw lang ata ang love nila? Eh kung tutuusin di hamak naman na mas macharm ako sayo. Kalahating paligo lang nga lang ang lamang mo sakin, di ba? Di ba?  

Jeron: Ok sure! Hahaha. 

Bryan: Kalahating height din ang inilamang ni Jeron sayo. Hahaha. Girls, wag niyong isasama 'tong si Dave sa mga lakad niyo dito sa Bora ha? Nakakahiya kasama ang isang 'to promise. Hahaha! 

The Charmer & The Sweetheart (A JeMik Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon