TCTS 2 Chapter 1

336 8 0
                                    

MIKA

"Now here with me is the season's hailed MVP and the undefeated Best Blocker, Mika Reyes. And as you can all see, I'm actually tip-toeing now. Hi Mika." naka-smile na sabi ni Apple. CSR this season.

Ngumiti lang ako tsaka tumango.

Bahagya ko ding tinago sa likod ko ang towel na pinangpunas ko ng pawis kanina.

"It's okay. You can show it to them. That's part of your winning game."

Umakma siyang kukunin niya pa sana.

"Eee... basa, eh." nag-aalangang sabi ko.

"Okay anyway, what happened on that floor awhile ago? You were so different back there. Tell us about this great game."

"I think that it's not just me who is different kanina. I think that it was all of us, kaming buong team. Like, the moment we step on a game, siguro nag-iiba na kami, sa tingin ko. Kasi ganun naman dapat. May goal kami so dapat focus."

"Okay, so about being the MVP this season? Expected mo ba na ikaw ang magiging MVP?"

"Umm... well, all of us wanted to be the MVP. Palaging parang Best Blocker or Best Assist lang 'yung nakukuha ko, so it's like a dream come true na ngayon sakin naman binigay."

"Well, I think hindi naman 'yun sa kung sinu-sino lang binibigay, di ba? You are so great this entire season and you obviously work pretty hard for this. So, you extremely deserve this."

"Ahh... thank you."

"So, last nalang Mika."

"Sige."

"Fans were linking you before with Kiefer Ravena. So, awhile ago nung naka-score ka, pinakita siya sa screen."

Lumapit at yumuko ako ng konti dahil biglang nag-ingay ang mga tao dahilan para hindi ko siya masyadong marinig.

"Are you aware na nanood siya and he actually did cheer for you."

"Umm... hindi ko alam."


JERON

"Are you aware na nanood siya and he actually did cheer for you."

"Umm... hindi ko alam."

"They're asking that on national television???" nangigigil na sabi ko habang nakatingala ako't pinanonood ang interview ni Mika ng bumaba na kami.

"You're saying something, bro?" sabi ni Dave na may suot-suot pang balloon sa ulo.

"Yung CSR tinanong si Mika tungkol kay Ravena. Hindi mo narinig?"

"Ingay ng mga tao, eh. Ano daw ba sabi?"

"Ewan ko sa'yo."

"Anyway, Mika. Congratulations again on to your team. Any words for your supporters." sabi ulit nung CSR.

"Umm... sa lahat ng naniniwala sa kakayahan naming lahat na Spikers, salamat po talaga. Nakakataba ng puso na malaman na nandiyan silang lahat para suportahan kami. Sa family and friends ko, sa family din ng mga teammates ko, kay Coach Ramil at sa lahat ng bumubuo ng Lasallian Community... thank you talaga sa suporta niyo. Para sa inyo 'to."

"Thank you, Mika. That's it! Now back to you, Boom."

"Thanks, Apple...."

"Tara na nga, 'dun tayo maghintay." medyo naiinis kong sabi.



MIKA

"Ate, Ye! Papicture po kami."

"Sure." sabi ko sabay akbay sa kanya.

"Ako 'din, ate." sabi ng isa pa na agad yumakap sa beywang ko.

"Lika."

"After mo ako, ha?" rinig ko pang sabi ng isang medyo pa-girl na lalake.

Hindi ko alam kung kanino ako aakbay o saang camera ako ngingiti dahil may ibang hinahawakan ako sa kamay, sa damit o di kaya'y sa balikat.
Ang gulo! Hahahaha.

"Papirma naman ako nito, ate Miks."

"Sige."

"Nakita mo ba tweet ni Kuya Kief, ate?" sabi nung isa sakin habang pumipirma ako.

"Yung alin?"

"Nagtweet siya ngayon-ngayon lang. Idol na idol ka na niya daw talaga."

"Ngeh. Baka hindi siya 'yun."

"Ako 'din ate, dito sa damit ko nalang ka pumirma." sabi din nung isa.

"Siya po 'yun. Hindi ba kayo friends, ate?"

"Sa personal o sa facebook? Hahaha kidding. Okay lang." simple kong sagot.

"Finollow ka niya sa Twitter at sa Insta pero ikaw hindi."

"Finollow niya ba 'ko? Hindi ko alam."

"Opo. Matagal na po 'yun eh."

"Ahh."

"Ye!" Nakita kong sumenyas sakin si Ara papasok.

"Aalis na yata kami. Next time naman. Thank you."

"Thank you, ate."

"Congrats po ulit!"

Tumango at ngumiti lang ako sabay talikod.

"Hinihintay ka yata ni Jeron, nakita ko siya 'dun. May lakad ba kayo?" sabi ni Ara nung pumasok na ko sa dug out.

"Baka sumama siya satin mamaya, hindi ko alam. Pero may lakad daw 'yun after nito, eh. Parang photoshoot yata kasama si Jeric." sabi ko habang tinatanggal ang sapatos ko.

"Ahh."

"Nasa labas pa ba siya?"

"Oo, dinudumog sa labas kasama si Dave. Daming fans, hirap makadaan."

"Idols!" Napaharap kami bigla ni Ara sa pinto.

Si Idol Joshua Torralba.

"Congrats! Congrats!" Isa-isa siyang naghigh-five samin. "Asan na 'yung iba?"

"Edi nasa court pa, nagfe-feeling mga artista." kantyaw ni Ara na ikinatawa naman agad ni Josh.

"Ang dami niyo kayang fans 'dun. Labas kayo, hoy. Tsaka 'yung jowa mo nauukot na 'yung damit sa labas kakayakap ng fans niya. Tara picture tayong lahat 'dun, dali."

"May mga press pa ba 'dun?" bigla ko nalang tanong.



The Charmer & The Sweetheart (A JeMik Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon