Chapter 21 : { Hanging by a moment }

85.8K 3.8K 1.7K
                                    

21.

Hanging by a moment

Third person’s POV

“Kill me now.” Mahinang sambit ni Tobi habang pinagmamasdan ang mga taong nakasuot ng amerikana at magagarang kasuotang nakikipagsosyalan sa isa’t-isa. Kaliwat-kanan ang halakhakan, kwentuhan at pagmamalaki sa mga ari-arian at katayuan sa buhay.

Elegante ang bihis ng lahat at maging ang buong mansyon na siyang pinagdarausan ng Redwood Centennial ball. Tanging ang mga mayayaman at tanyag sa lungsod ng Redwood lamang ang mga naiimbitahan sa ganitong klase ng mga pagtitipon kaya naman para kay Tobi, isa itong gabing puno ng kayabangan at kasakiman.

 “Its only 11 pm, akala ko ba hatinggabi pa magsisimula ang party nato?” Nakangiwing sambit ni Tobi sa madrasta habang iniinom ang isang basong may lamang champagne.

“Dear you really need to know a thing or two about these kind of parties. You’re such a disappointment.” Pasaring nito ngunit napangisi na lamang si Tobi sabay iling-iling.

“I-enjoy mo na ang mga ganitong sosyalan Rose. Bilang na ang mga araw mo, malapit ka ng palitan ni Daddy.” Paalala ni Tobi dito.

Umiling-iling lamang ang madrastang poise na poise sa pag-upo, “On the contrary, its you who needs to enjoy your  every waking moment of freedom Tobi.” Kinuha niya ang isang basong may lamang wine at dahan-dahan itong ininom.

Napasandal si Tobi sa kinauupuan at napabuntong-hininga. Bakas ang lungkot sa mukha niya habang nakatitig sa mesa kahit pa may ngiti ang mukha niya.

“Enjoy my every waking moment? Bakit, may binayaran ka na naman ba para ipapatay ako? Siguraduhin mo lang na this time mamamatay na talaga ako.” Pasaring ni Tobi kaya agad na nasamid sa iniinom ang madrasta.

“Tobias anong ibig mong sabihin?” Mautal-utal na sambit ng madrastang nanlalaki ang mga mata.

Muling napangisi si Tobi, “Anong ibig kong sabihin? Rose naalala ko pa ang nangyari three years ago, pinilit mo akong magpunta sa Perya para magsaya kasama ang mga kaibigan ko. Ayokong pumunta kasi masama ang pakiramdam ko pero halos ipagtulakan mo ako palabas ng bahay… Hindi ako tumuloy sa perya kaya galit na galit ka sa akin. Kung nagpunta ako sa perya three years ago gaya nung sinabi mo, siguradong tigok na ako. Ang tanga-tanga ko kasi ngayon ko lang napagtagpi-tagpi ang lahat, next time kung gusto mo na talaga akong mamatay ‘wag ka nang mag-hire ng hitman o mag-utos ng iba. Ikaw nalang mismo ang pumatay—“ Natigil si Tobi sa pagsasalita nang mamataan ang amang papalapit sa table nila.

 “But Tobi—“ May sasabihin pa sana ang madrasta ngunit ayaw na itong pakinggan pa ni Tobi.

“I’m not as bad as you think. Kung ikaw nga talaga ang nagbayad kay Mr. Villegas na patayin ako, pwes kailangan mong mag-ingat kasi kayo ang pinupuntirya ng kanang-kamay niya.”

“Son come with me, I want you to meet the Dela Vega’s.” Anyaya ng ama kaya naman agad na napatayo si Tobi na bigla na lamang sumigla.

Lumapit ang ama sa isang table kung saan nakaupo ang apat katao at isa sa mga ito si Priscilla.

“Son this is Paulo Dela Vega, we were friends back then when we were in college and now business partners na kami.” Itinuro nito ang isang lalaking may edad na pero may maganda paring tindig at pangangatawan.

“Good evening po.” Ngumiti si Tobi sa kanya at nakipagkamay.

“Hey there young man.” Bati nito pabalik kaya agad na nanlaki ang mga mata ni Tobi nang may maalala siya sa boses at pananalita nito.

The Midnight MurdersWhere stories live. Discover now