Chapter 1 : { The Unexpected Slumber }

204K 6.1K 2.3K
                                    

1.

The Unexpected Slumber

 "Natutuwa kaming lahat at sa wakas nagising ka na."

Puti. Puro puti na lamang ang nakikita ko magmula sa mga kurtina, kama at kisame. Kinapos ba sila ng budget sa pintura? o sadyang  trip lang nila ang kulay 'nato? 

Pinagmasdan ko nang mabuti ang mga tao sa harapan ko. Hindi ko sila kilala pero alam kong mga doktor at nurse sila dahil sa mga suot nilang damit. Nakakapagtaka, ang lalapad ng mga ngiti nila. Parang napakasaya nila. Anong meron?

Biglang itinapat ng isang doktor ang flashlight sa mata ko. Mahapdi pero tiniis ko na lamang kahit pa gustong-gusto ko nang pumikit.

"Wala bang masakit sayo?" Tanong niya habang tinitingnan ang clipboard niya.

"Mata ko masakit. Tutukan mo ba naman ng flashlight" bulong ko na lamang sa sarili ko. Nakakainis! Nasaan ba sina Daddy? Ano bang ginagawa ko sa hospital nato? Nakakailang tuloy.

"Alam mo ba anong pangalan mo?" biglang tanong ng isang doktor. Weird. 

"Im Kendra Villegas," ngumiti na lamang ako "Nasaan po ang pamilya ko? No offense po pero I really hate this place. I mean, I hate the smell of hospitals. Uuwi nalang po ako" Sinubukan kong tumayo ngunit bigla akong nahilo. Para bang nakabigat ng katawan ko kaya umupo na lamang ulit ako sa kama. Hindi lang yun ang nararamdaman ko, infact pakiramdam ko napakadumi at napakabaho ko, literally.

"Easy there kiddo. May gusto nga palang kumausap sayo" Sabi ng doktora at ilang sandali pa'y biglang pumasok na dalawang pulis. Nagsi-alisan ang mga doktor kayat tatlo na lamang kaming natira sa napakatahimik na silid.

"Sir I dont mean to be rude but pwede bang isang bagsakan niyo nalang na itanong ang lahat. Gusto ko na kasing umuwi, pakiramdam ko ilang buwan na akong walang ligo. Teka alam ba ng pamilya ko na nandito ako? Naku! Nag-aalala na sila for sure!" Napakamot na lamang ako sa ulo ko ngunit nabigla ako nang makaramdam ako ng mahapdi sa likurang bahagi ng ulo ko.

"Ms. Villegas, hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa. Ano ang huling naalala mo?"

His words echoed my head as if it was on repeat.

---

"Kendra its almost 9, matulog ka na" I love my dad but he's just ridiculous. 8pm pa lang pinapatulog na ako samantalang yung mga kaklase ko umaabot na ng hatinggabi gising parin! Asan ang hustisya?

Karaniwan akong nababadtrip sa tuwing maaga niya akong pinapatulog, pero ngayon Im just too damn excited.

"Opo dad! Ikaw rin matulog ka na" I tried to act as normal as possible. 

"Oo nga dad, ako nalang po ang maghuhugas ng mga pinagkainan. Matulog ka nalang" Sabat naman ng kapatid ko habang bumababa ng hagdan. My older brother is my ultimate opposite, kung ako may pagka-boba, siya ubod ng talino. Kung ako tamad, siya naman ay ubod ng tamad.

"Teka, totoo ba 'tong naririnig ko? Ikaw Kier nagvo-volunteer na maghuhugas ng pinggan?!" tumawa si daddy at agad na tinanggal ang apron niya. "Bago ka pa mahimasmasan, matutulog na ako." Gusto ko na sanang magtatalon sa tuwa kaso bigla siyang lumingon ulit sa amin, "Teka? hindi naman siguro kayo nagbabalak na pumunta doon sa perya diba?" Nakakunot ang noo ni daddy kaya dali-dali kaming napailing-iling ni Kuya at nagpanggap na natatawa.

The Midnight MurdersWhere stories live. Discover now