Chapter 15 : { The Kingpin }

82.5K 4K 1.6K
                                    

15.

The Kingpin

Kendra’s Point of View

 

Napasinghap ako nang bigla kong maramdaman ang malamig na tubig na tumama sa mukha ko. Bigla akong nakaramdam ng matinding lamig kaya dali-dali kong idinilat ang mga mata ko.

Nasa isa kaming maliit na warehouse. Wala akong ibang makita kundi lumang yero at bakal sa paligid.

Natakot ako nang makita ko ang isang lalaking nakasuot ng bonet na nagtatakip sa buo niyang mukha at may hawak siyang timba.

“Mabuti naman at gising ka na.” Sabi niya sa akin kaya sinubukan kong tumayo ngunit laking gulat ko nang mapagtantong nakatali pala sa likod ko ang mga kamay ko sa isa’t-isa, ganun din ang mga paa ko.

“Mga walang hiya kayo ‘wag niyo siyang sasaktan!” Bigla kong narinig ang boses ni Webb kaya agad ko itong sinundan ng tingin. Tuluyan na akong napaiyak sa takot nang makita kong gaya ko ay nakaupo rin siya sa sahig habang nakatali.

“Webb!” Napasigaw ako dahil malayo siya mula sa akin.

Biglang umupo sa harapan ko ang lalaking nakasuot ng bonet. Marahas niyang hinawakan magkabila kong pisngi gamit ang isang kamay at inipit gamit ito.

“Makinig ka sa’kin, wala akong balak na saktan ka. Ang gusto ko lang ay makuha ang cellphone ng kapatid mo na kinuha ninyo.” Punong-puno ng panunuya ang tono ng pananalita niya, para bang nakangiti siya habang nagsasalita.

Dumako ang paningin ko kay Webb, umiling siya sa akin  kaya kahit nanginginig na ako sa takot ay napapikit nalang ako at agad na umiling-iling. “Hindi ko alam!”Impit akong sigaw kaya marahas niyang binitawan.

“Akala niyo ba talaga nagbibiro ako?!” Muli niyang sigaw. “Isang simpleng tanong lang! Kung hindi niyo ito sasagutin, edi mapipilitan akong patayin kayo.” May kinuha siya mula bulsa niya—Isang brass knuckle—Isinuot niya ito sa kanang kamao niya.

Napapikit nalang ulit ako sa takot na baka suntokin niya ako gamit nito ngunit nagulat ako nang marinig ang yabag niyang papalayo. Si Webb ang nilapitan niya.

“Webb!” Muli akong napasigaw.

“Nasaan ang cellphone ni Kier Villegas?” Kalmado lamang ang boses ng lalaki.

Imbes na matakot ay ngumisi lang si Webb at tiningnan ang lalaki sa mga mata na para bang nakikipag-sindakan ng tingin.

“Anak ka nga talaga ng tatay mo Webster. Pareho kayong mahilig magtapang-tapangan.” Pasinghal na sambit ng lalaki kaya agad nawala ang ngiti sa mukha ni Webb.

“S-sino ka?” Nauutal na sambit ni Webb.

“Hindi mo ako kilala pero ako, kilalang-kilala ko ang tatay mo.” Walang ano’y bigla na lamang niyang sinuntok si Webb sa mukha kaya agad akong napatili. Kitang-kita ko ang pagbasak ni Webb sa sahig at ang dahan-dahang pagtulo ng dugo mula sa ilong niya.

The Midnight MurdersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon