Chapter 2 : { Come back home }

111K 5K 2.2K
                                    

2.

Come back Home

Three years? Good joke. Nasaan ang hidden camera? For sure binayaran lamang siya ni Kuya Kier para biruin ako. Comatose? Imposible lalong lalo na't tatlong taon pa. 

"There were 9 other people shot that night and they all died. You were the only one who survived among those who were shot kahit pa sa ulo ka tinamaan." Kung totoo ngang biro lamang to, ang galing naman ng babaeng to. May future siya sa pag-arte. 

"Alam kong mahirap tong paniwalaan Kendra pero totoong tatlong taon kang na-coma" 

Napakaseryoso ng mukha ng doctor. She looks so convincing that she's starting to confuse me. Napabuntong hininga na lamang ako at dumungaw sa bintana ngunit laking gulat ko nang mapansin kong humaba ang buhok ko. I look different. I mean its still my face pero something changed. 

"Nna coma ba talaga ako?" Hinaplos ko ang mukha ko hanggang sa muli na naman akong naluha. "K-kung na-coma ako, nasaan ang kapatid ko? nasaan ang daddy ko?" Alam na ba nilang nagising na ako?"

- - - - - -

Pagbaba ko ng kotse ay agad na sumalubong sa akin ang napakalamig na hanging dala ng pabugso-bugsong ulan. Napatingin ako sa paligid, wala akong ibang makita kundi mga nitso at puntod. Napalingon ako sa doktora na naghatid sa akin dito "A-anong ginagawa natin dito sa sementeryo? Lumipat ba ng bahay sina Daddy dito?"

Walang emosyon si Doktora. Hinawakan niya ako at maya-maya pa'y itinuro ang isang lapidang nasa hindi kalayuan ko. Lumapit ako sa lapida at tiningnan ito ng mabuti. Pakiramdam koy dinurog ang puso ko nang mabasa ko ang nakaukit dito. 

Kier Villegas

Nanghina ang mga paa ko't agad akong bumagsak sa putikan. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Wala na ba talaga ang kuya ko?

"Kendra everything will be okay." Sambit ng doktora at agad akong tinulungang tumayo.

"Everything will be okay? Patay na ang kuya ko! Saan ang okay dito?!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong mapahagulgol. "Where's my dad?"

Parang nabigla siya sa tanong ko at umiwas ng tingin. "Y-your dad went to the states to work. He needed to support your hospital fees at pumunta rin siya doon para makalimutan ang nangyari sa kuya mo" Hindi ko alam pero habang sinasabi niya iyon ay bigla kong nakita ang mga salitang binibigkas niya na lumulutang sa mukha niya. Kulay pula ang mga letrang ito. Hindi ko alam saan sila nanggaling ka dali-dali kong kinusot ang mata ko.

"Kendra ayos ka lang? Ano yung tinitingnan mo?"

Napailing na lamang ako. Wala na ang mga pulang salita. Siguro minamalikmata lamang ako.

- - - 

Napakatahimik pagdating ko sa bahay. Mag-isa lamang ako. Walang daddy na sumalubong sa akin at wala ring Kuya na nanonood ng TV. Nakapatay ang lahat ng ilaw at natatakpan ng puting tela ang lahat ng mga kagamitan.

Hindi ko alam ano ang gagawin ko. Hindi ko alam sino ang matatakbuhan ko. 

Pinagmasdan ko na lamang ang sarili ko sa salamin. Halos hindi ko na makilala ang sarili kong repeksyon. Naaawa ako sa sarili ko, wala na nga akong nanay, ngayon naman wala na ako ng kuya at tatay. Sana bumalik na daddy. Wala na akong pamilya maliban sa kanya. Hindi ko kayang mag-isa.

The Midnight MurdersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon