Chapter 10 : { The Perfect Family }

83.9K 4.1K 1K
                                    

10.

The Perfect Family

Kendra's Point of View

"A-anong ibig mong sabihin? My dad loves me. He wouldnt do anything to hurt me!" Hindi ko kayang paniwalaan ang sinabi ni Webb kahit pa pinagmamasdan ko ngayon ang mismong police reports patungkol sa pagkakadakip ng daddy ko.

"Mabuti siyang ama sa inyo pero hindi ibig sabihin nun, matino siyang tao. Kendra alam kong masakit pero ito ang totoo." Hindi ko mapigilang maluha. Imposible. Alam kong mahal na mahal ako ng daddy ko at hinding-hindi niya ako sasaktan.

"Maybe he was set-up! Maybe napagbintangan lang siya? Oo tama! Napagbintangan lang ang daddy ko!" Nauutal kong giit.

"Kendra there were 10 shots fired that night. Alam mo ang tungkol diyan diba? Tumama sayo ang pang-sampung bala at pagkatapos natigil ang putukan. Tumakbo sa direksyon mo ang daddy mo matapos ka niyang matamaan kaya siya nahuli ng mga pulis." Ipinakita niya sa akin ang mga litratong kuha nang gabing iyon. Napatakip na lamang ako sa bibig ko.

My dad was my hero. All my life I looked up to him. Mahal na mahal ko siya dahil kahit wala kaming ina ay naalalagaan niya parin kami pero bakit ganito? 

Hindi. Mahal na mahal ako ng daddy ko at hindi siya masamang tao.

"Nasaan ang mommy mo?" Nagulat ako sa tanong ni Webb. Ni minsan ay hindi ko naalalang nagkasama kami ni Mommy. Sabi ni Daddy baby pa ako nang iwan kami ni Mommy. Sa litrato ko lang siya nakikita.

"Malay ko sa babaeng yun. Nilayasan niya kami noong mga bata pa kami." Sa totoo lang galit ako sa kanya. Matagal na akong galit sa kanya at iniisip ko nalang na patay na siya para wag na akong masaktan. She wasnt my mom. She was just a woman who gave birth to me and bailed out.

"Hindi kendra, nagkakamali ka." Muling may kinuha si Webb sa folder, ilang piraso ng news paper clippings na nakalagay sa isang transparent cellophane. Kapansin-pansin ang pagiging luma nito ngunit higit na nakuha ng atensyon ko ang litrato ng daddy ko kasama ang isang babae. Para itong isang wedding picture, ito ba ang mommy ko? hindi ko pa kasi siya nakikita kahit ni anino man lang.

"Kendra basahin mo ang nakasulat." Dagdag pa ni Webb.

Isang ginang pinatay ng sariling asawa. Pakiramdam ko'y tumigil ang mundo ko nang mabasa ko ang headline.

"No. No she left us! This bitch didnt die!" Giit ko, hindi ko mapigilan ang sarili kong mapahikbi.

"This is the truth kendra. Pinatay ng daddy mo ang sarili mong ina. Naging wanted ang ang daddy niyo kaya nagpakalayo-layo siya at sinama niya kayo. Ito ang dahilan kung bakit kayo napunta dito sa lungsod ng redwood. Binago ng daddy mo ang lahat tungkol sa inyo, mga pangalan at mga aalala. Nagsinungaling sa inyo ang daddy ninyo.Hindi ka man lang ba nagtataka na wala kang pinsan o kahit lola man lang?"

Gustuhin ko mang paniwalaang inosente ang daddy ay hindi ko na magawa. Naalala ko noon, naiinggit ako sa iba kong mga kaibigan dahil may mga pinsan sila at grandparent pero kami wala. Wala kaming ibang pamilya bukod sa isa't-isa. Sabi ni Daddy ulilang lubos silang dalawa ni mommy at sa ampunan silang dalawa nagkakilala. Sabi din ni Daddy matapos kaming iwan ni mommy ay nagkaroon ng sunog sa dati naming bahay na siyang dahilan kung bakit kami lumipat dito sa redwood at kung bakit wala kaming ibang litrato noong mga bata pa.

The Midnight MurdersWhere stories live. Discover now