The Midnight Murders

286K 7.6K 801
                                    

P r o l o g u e  



Isang normal na araw lamang yun para sa aming lahat,

Ngunit biglang nagbago ang mga buhay namin sa isang iglap.

Sampung putok ng baril ang umalingawngaw.

Sa isang iglap nagising ako sa isang bagong buhay.

Marami ang nagbago sa pamilya at mga kaibigan ko pero may higit na nagbago sa katauhan ko.

Sa isang iglap bigla akong nagkaroon ng isang kakayahan.

Kakayahang malaman kung ang taoy nagsisinungaling o nagsasaad ng katotohanan.

Sa kabila ng kakayahang ito ay sinusubukan kong mabuhay gaya ng isang normal na dalaga ngunit sadyang mapagbiro ng tadhana....

Sabado ng hatinggabi ay may pinatay sa kahindik-hindik na paraan at nasunduan pa ito sa sumunod na mga hatinggabi.

Gustuhin ko mang magbingi-bingihan at magbulag-bulagan ay hindi ko magawa lalong-lalo na't napapansin kong nagsisinungaling ang lahat...

Hindi ko alam kung isa ba itong sumpa o biyaya

Pero hindi ako titigil hanggang sa malaman ko ang katotohanan....

The Midnight MurdersWhere stories live. Discover now