Chapter 16

1.3K 35 10
                                    




"Sorry, I got a bit late" sabi ni Alex ng pagbuksan kaming dalawa ni chloe ng pinto. Una niyang binuksan yung sa gitna pagkatapos naman noon ay yung sa passenger's seat. Siya pa talaga ang humingi ng pasensya, kami na nga yung sinundo niya. Teka? Wala naman siyang sinabi na susunduin niya ulit kami. Papaano kung nakasakay na kami agad ng taxi? Edi pupunta siya dito sa wala?

"Ano ka ba! Nakakahiya nga sinundo mo pa kami" nahihiyang sabi ni Chloe. Ewan ko kung nahihiya talaga ang isang to. Iba kasi sinasabi ng mga ngiti niya.

"Buti na lang at hindi pa kami nakakakuha agad ng taxi" dagdag pa nito. Grabe talaga ang bibig nitong si Chloe. Walang preno

Hindi ko na sinabi kay Alex kung saang hospital kami pupunta. Alam naman na niya eh, sinundo niya pa ako dun diba?
Gaya kanina, tahimik lang ulit ang byahe. Nabasag lang ito ng magsalita si Alex

"Kumain na ba kayo? Mag dinner muna tayo" sabi niya. At agad na niliko ang sasakyan sa isang kanto. Tinignan ko si Chloe at binigyan niya lang ako ng ngiting tagumpay. Baliw talaga, basta pagkain ang saya-saya niya.

Tumigil kami sa tapat ng isang Filipino restaurant dito sa Greenfield. Maganda ang ambiance nung resto, puro makaluma ang palamuti neto. Pati ang mga upuan ay luma din. Para kang babalik sa sinaunang panahon.

"Goodevening Mr. Bechet!" Bati nung receptionist. Huh? Kilala siya? So ibig sabihin madalas siya dito. Iginiya niya kami sa isang table sa sulok. Medyo pribado ang dating nito dahil malayo sa ibang mga lamesa.

"The usual" sabi ni Alex sa waiter na naka-abang, tumango naman ito bago umalis. Buti na rin at hindi na kami tinanong sa oorderin namin kasi nahihiya din ako. Inabala ko na lang ang sarili sa pagtingin sa mga dekorasyon ng restaurant. Inikot ko naman ang mata ko sa mga lamesa kung saan may mga taong kumakain.

"Nick is busy so stop looking for him, he won't show up again" sabi ni Alex na nagpabalik ng atensyon ko sa kanya. Akala niya siguro ay hinahanap ko si Nick! What the hell!

"Hindi ko naman siya hinahanap ah?" Angil ko sa kanya. Tahimik lang si Chloe sa tabi ko pero naramdaman ko ang paghawak niya sa isang kamay ko sa ilalim ng table

"Well, sinong tinitignan mo doon?" Iritang tanong ni Alex. Napakunot naman ang noo ko.

"Tinitignan ko lang yung mga design!" Angil ko ulit. Tumikhim naman si Chloe dahil paparating na yung waiter para i-serve na ang mga pagkain.

Isa-isang binaba ang mga pagkain sa lamesa namin. Unang binaba ang fried calamari, sunod naman ay salpicao, liempo, kinilaw na blue marlin, tinola at garlic fried rice. Sinervan din kami ng fresh buko at leche flan naman para sa dessert. Ang dami nanamang pagkain! Malamang abot tenga na ang ngiti ni Chloe ngayon.

Nagsimula na kaming kumain, si Chloe naman ay panay ang siko sa akin dahil kanina niya pa gustong punahin ko ang pagtitig sa akin ni Alex.

"You need to eat a lot" baling ni Alex sa akin.

"But I'm full" sabi ko sa kanya at nagpout dahil busog na nga ako. Nakadalawang plato na ako, gaano pa ba karami ang gusto niyang kainin ko?

"Gutom ka pa e" panunuya ni Chloe na agad kong tinignan ng masama. Busog na talaga ako, siguro di rin sanay si Chloe dahil alam niya na hindi lang dalawang beses ako sumandok ng pagkain. Asar nga si Chloe sa akin dahil kahit gaano daw ako kadami kumain ay di daw ako tumataba. Aminado akong malakas kumain, pero ngayon talaga ay busog pa ako.

Iniabot sa akin ni Alex ang leche flan, wala na akong nagawa kundi tanggapin iyon. Isa pa, I love sweets! Nilantakan ko agad yun, tinignan ko ang bestfriend ko dahil sa mahina niyang pag-tawa. Ngumuso naman siya kay Alex ng balingan ko siya, nung si Alex naman ang tinitigan ko ay nakangiti niya akong tinitignan.


"Bakit?" tanong ko sa kanya. Tinignan ko din ang bestfriend ko at binigyan ng makahulugang tingin.

"I thought you're full eh?" Ngisi ni Alex. Bigla tuloy ako nakaramdam ng hiya. Ang kanina pa pinipigilang tawa ni Chloe ay lumabas na. Tinignan ko na lang siya ng masama.

"I told you, matakaw yan. And she loves sweets" sabi ni Chloe kay Alex. Napatango naman si Alex bago ibalik ang tingin sa akin. Siniko ko ang bestfriend ko para tumigil pero yun pa ata ang mas nagpatawa sa kanya. Baliw talaga eh.

Dumating ang waiter para kunin na ang mga pinagkainan namin. May inabot siya kay Alex na papel na parang resibo, pumirma si Alex pero walang inabot na cash or card man lang bago umalis yung waiter.

"Washroom lang ako" Paalam ko sa dalawa, tumango naman sila kaya tumayo na ako. Tinanong ko pa ang isang staff kung saan ang CR at tinuro naman niya ito.

Naghugas ako ng kamay at nagretouch kaunti. Mukha na kasi akong haggard sa itsura ko.

"Nasa Hospital na nga ang boyfriend mo nakuha mo pang lumandi" sabi ng isang babae na tumabi sa akin. Tinignan ko mula sa repleksyon sa salamin kung sino ang nagsalita. Si Brianda! Ang desperadang ex ni Seb na habol pa rin ng habol kay Seb kahit alam niyang kami na.

"What do you mean?" Pagbabalewala kong tanong. Malamang nakita niya kami kanina ni Alex. Pero kasama naman namin si Chloe ah. Fuck! Ako nga lang pala ang inaasikaso ni Alex

"You know what I mean. Wag ka magmalinis noh" sabi niya sabay apply ng lipstick at nagpout pa ng napaka arte. Hindi ko siya sinagot. At pinakitang hindi ako apektado. Lalabas na sana ako pero nagsalita pa siya

"Oh well, siguro naman quits na kayo ni Seb" sabi niya sa akin at nilagpasan na ako para mauna ng makalabas.

Napatigil ako. Anong ibig niyang sabihin? Gusto ko sana siyang habulin para magtanong pero namanhid ang buong katawan ko.

"Huy! Tulala ka nanaman?" Balik atensyon sa akin ni Chloe. Sumunod siya dito sa CR.

"Bumalik ka na, hinahanap ka na ni Alex" dagdag pa niya bago pumasok sa cubicle. Sabihin ko kaya kay Chloe yung sinabi ni Brianda?

Pero mas pinili kong manahimik at bumalik na lang sa table.

"Are you alright?" Tanong sa akin ni Alex sabay hinawakan ang kamay ko.

"Yeah" tanging nasabi ko lang.

Napalingon ako sa gilid kung saan dumaan si Brianda kasama ang isang foreigner. Ngumisi siya sa akin at bumaba ang tingin niya sa kamay ni Alex na nakahawak sa akin bago ako balingan ulit at irapan. Pero bago ko pa mabawi ang kamay ko kay Alex ay tumalikod na si Brianda kasama ang kasama niya at tuluyan ng lumabas ng restaurant.

Shit!





Ps.

May bago po akong story. Title po ay Hide and Seek. Yun muna ang gagawin ko bago ulit ako makapagupdate dito. Story po iyon ni Chloe. Para makasabay dito sa story ni Charisse. Thank you!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Playboy and The CourtesanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon