Chapter 13

874 23 5
                                    



Hindi ako nakakaing mabuti kahit gutom na gutom pa ako, papaano ka ba naman kasi makakakain ng maayos eh buong dinner nag-asaran ang dalawang magkaibigan. Parehas ata kami ni Christine na hindi nakakaing mabuti.

"Hahaha wag kang maniwala dyan Cha, pag naging asawa mo yan ipalilinis sa'yo ang buong hotel! Aalilain ka niyan" biro ni Nick. Natawa ako dun, nako baka nga.

"May mga taong gagawa nun Nick, I will not let my wife do those things. Sa ibang bagay siya mapapagod" sagot naman ni Alex

"Oh well, you are a sadist kaya kawawa parin si Cha sa'yo" sabay subong sabi ni Nick. Muntik na akong masamid sa iniinom kong tubig. Napatingin naman sa akin si Christine sabay ngiti. Kailan ba matatapos ang asaran nila?

"Atleast I'm good in bed, not like you" patutya ni Alex. Kita ko ang pagkagulat ni Nick sa sinabi ni Alex. At tinignan ko naman si Alex na dahang-dahang nginunguya ang kakasubong pagkain. Grabe talaga to!

"Magaling naman ako mahal hindi ba?" Nakapout na baling ni Nick kay Christine. Tinignan ko si Christine, nanigas ito sa sinabi ni Nick hanggang sa pumula na ang pisngi nito. Alex chuckled, natatawa sa sariling kagaguhan. Habang sinenyasan ang waiter na bill out na.

Binalingan ko ulit si Nick na ngayo'y kinukulit na si Christine. Hindi naman ito pinansin ng huli at itinuloy ang pag-inom sa kanyang juice. Maalala ko, mahal? Mahal ang endearment nila? How sweet. Corny pero sweet.

"Look how chidlish your crush is" bulong sa akin ni Alex. Lihim akong napangiti. Hindi ko alam anong gusto niyang iparating sa akin. Na dapat ba ay maturn off ako dahil ganun ang ugali ni Nick?

"He's cute nga e" kilig kong bulong. Well, I'm telling the truth. Ang cute ni Nick pag ganun. Yun din siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit nainlove sa kanya si Christine. Tumingin naman ako kay Alex na ngayon ay nakakunot na ang noo. Kinuha niya ang bill na inabot ng waiter at ipinasa iyon kay Nick

"You lost bro, you pay" sabi niya. Nakasimangot namang kinuha ni Nick ang bill sabay kuha ng card sa kanyang wallet at iniabot na sa waiter.

"Kaya pala ang dami mong inorder" patutya kong sabi kay Alex. "Hindi pala ikaw ang magbabayad" dagdag ko pa

Wala akong nakuhang tugon sa kanya. Kinindatan niya lang ako at tsaka uminom ng tubig. Ewan bakit biglang nagwala ang tibok ng puso ko. Agad kong iniwas ang tingin sa kanya.

"Hindi ko talaga alam paano kita naging kaibigan" naiiling na sabi ni Nick kay Alex, habang pumipirma sa iniabot na resibo ng waiter.

"Hindi ko rin alam" sagot pabalik ni Alex. Naiintindihan ko si Nick, siguro ay malaki nga ang bill namin. Ang dami ba namang inorder, may abalone pa! Ang lakas magorder palibhasa hindi siya ang magbabayad. Kung sabagay, pag si Alex ang nagbayad dun eh parang barya lang sakanya. Binayaran nga niya akong ng isang milyon hindi ba?

"Sa susunod tayong tatlo na lang ang lumabas cha, wag mo isama tong si Alex" biro ni Nick ng makalabas na kami sa restaurant. Sinuklian ko ng yakap si Christine, nag-alangan pa nga ako dahil naalala ko hindi na nga pala ako nakaligo sa sobrang pagmamadali kanina. Nakakahiya!!

At nang si Nick naman ang yayakap sa akin ay agad naman akong hinila ni Alex, dahilan ng pagkabagsak ko sa kanyang dibdib.

"Don't dare" angil niya kay Nick. Natawa naman ang huli at itinaas sa ere ang dalawang kamay bilang pagsuko. Nagpaalam ako ng maayos sa kanila. Nag wave pa ako kay Christine at ganun din ang ginawa niya sa akin.

"Magpapayakap ka naman? Tss" bulong ni Alex nang makasakay na kami pareho sa sasakyan niya.

"Bakit mo ko hinila? Pagkakataon ko na nga-- aaaaah!" Napatili ako ng bigla niyang hininto ng mabilis ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Napahawak ako sa dibdib ko.

The Playboy and The CourtesanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon