Chapter 10

922 26 2
                                    



Sabay kaming nagpaalam ni Seb kay mama nang pumatak na ang alas sais ng gabi. Gustuhin man naming magtagal eh para na rin makapagpahinga si mama. Inalalayan ako ni Seb papuntang sasakyan niya. Kanang kamay sa aking bewang at ang kaliwa naman ay may hawak na paperbag nung mga tinake out niyang pagkain kanina. Sa bahay na lang daw namin ito kainin.
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya at ng nakapirmi na akong umupo ay tsaka niya lang isinarado ang pintuan sabay ikot na sa kabilang side ng sasakyan.
Nagseatbelt agad ako, ganun din siya ngunit bago ko maikabit ang seatbelt ay hinawakan niya ang aking kamay at dinala ito sa kanyang labi para halikan.

Eto ang isa sa mga nagustuhan ko kay Seb, ang mga pasimple niyang lambing sa akin ay nakakakiliti ng aking tyan.
Naalala ko tuloy nung college kami ay crush na crush ko siya. Hindi ko mapigilan ang pagkakilig ko noon tuwing sumasabay siya sa amin maglunch dahil bestfriend niya ang boyfriend ni Chloe. Tumindi ang paghanga ko sakanya nung halos araw-araw na kami magkasama dahil nagkapareha ang schedule namin.

Una pa lang alam kong hindi ako gusto ni Seb. Palaging sinasabi sa akin ng boyfriend noon ni Chloe na taga ibang departamento ang gusto niya ngunit may boyfriend na daw ito kaya hindi na mapormahan ni Seb. Hindi ko alam kung masasaktan ba ako o matutuwa. Masakit, kasi hindi ako ang gusto niya. Nakakatuwa, kasi hindi sila pwede ng gusto niya. Para bang nabigyan ako ng malaking pag-asa. Ayoko rin naman magpapansin kay Seb noon dahil baka maging bato pa ang pagkakaibigan namin. Kaya nga halos magpamisa ako noon nung umamin siya sakin na may gusto siya sa akin at tanungin ako kung pwede daw ba akong ligawan. I think it's one of the best graduation gift na natanggap ko noon.

"I love you babe" bulong niya habang siya na ang nagkabit ng seatbelt ko.
"I love you too" sagot ko sabay pisil sa kamay niya. Sinuklian niya ako ng isang pagod na ngiti. Siguro ay pagod ito sa trabaho.

"Thank you babe ha at pinuntahan mo si Mama" sabi ko. Alam ko ay mas madalas niyang puntahan si Mama kaysa sa akin, madalas ay siya na rin ang kusang bumibili ng mga ibang gamit na kailangan ni mama sa clinic. Siya din ang relyebo sa akin kapag nagbabantay ako tuwing inaatake si mama ng sakit niya.Kaya laking pasalamat ko sa Diyos na binigyan niya ako ng isang lalaking katulad ni Seb.

Nang makarating na kami sa bahay ay agad ko ng hinanda ang mga tinake out niyang pagkain. Dinaluhan ako agad ni Seb pagkalabas niya ng kwarto para magpalit ng damit. Madalas kasing matulog si Seb dito kaya may mga ibang damit na din siyang nakatabi.

"Let's eat" anyaya ko sa kaniya bago umupo, ganun din ang ginawa niya bago kami taimtim na nagdasal. Napagkwentuhan namin ang meeting kanina sa trabaho niya habang kumakain, pati na rin ang lagay ni Mama.

"Uhm.. Alex? Your boss?" Pagiiba niya ng topic, bahagya akong nagulat dahil inopen niya ang topic na yun.

"Hm? What about him?" Patay malisya kong tanong sabay subo ng pagkain.

"Akala ko sa front office ka naka assign? Bakit nagrelyebo ka as secretary niya?" Tanong niya habang ang mga mata niya ay nakatuon lang sa akin, tinatantya ang magiging reaksyon ko. Alam ko na, ganito si Seb pag may pinagseselosan. Gusto kong mangiti dahil sa kilig pero pinigilan ko. Baka kasi iba ang isipin niya at lalo pa siyang magalit

"Nareassign ako sa housekeeping babe, tapos sakin pinahandle ang penthouse ni Sir Alex" panimula ko bago uminom ng tubig. Kita ko pano niya ko titigang mabuti habang umiinom

"Tapos ayun, when I was cleaning his penthouse, kinausap niya ako he said may emergency meeting siya with a client and he needs an assistant dahil wala ang secretary niya kanina" patuloy ko. Nakita ko naman siyang tumango bago sumubo ng pagkain.
Nakahinga ako ng maluwag sa pagsang ayon niya sa sinabi ko. Well atleast hindi purong kasinungalingan ang sinabi ko sakanya. Totoo namang naassign ako sa housekeeping at sa akin pinahandle ang penthouse.

The Playboy and The CourtesanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon