Chapter 8

1.8K 43 10
                                    




"S-saan tayo pupunta?"   Tanong ko, medyo alanganin pa dahil nga kunot noo siyang nagmamaneho.

"Hindi ba magpapahinga ka ngayon? Ihahatid kita sa bahay niyo" sabi niya lang, pero buong atensyon parin sa pagmamaneho. Hindi na ako nagsalita, mukhang galit e. Baka siguro dahil sa hindi ko pa siya sinusunod about sa pakikipag break kay Seb.

Kaya ko bang iwan si Seb? Mahal na mahal ko siya. Hindi ko pwedeng basta-basta tapusin na lang ang ilang taon naming pagsasama dahil lang dito. Pero hindi, dapat pala na iwan ko na siya dahil sa sitwasyon ko. Hindi ko man intensyon pero niloloko ko na siya. I'm cheating on him. Hindi niya deserve to.

Sa sobrang pagiisip ko ay di ko na namalayan na nasa tapat na pala kami ng tinitirhan ko. Tatanggalin ko na sana yung seatbelt pero naunahan na ako ni Alex. Halos hindi ako makahinga sa sobrang lapit ng mga mukha namin.

"Gusto mo ba magpahinga o magpagod sa kama?" Tanong niya habang nakangisi. Napayuko ako sa kahihiyan. Gaano ba katagal ko siya natitigan? I need to get out of here right now. Para akong nasu-suffocate.

"Ma-- mauna na ako, salamat" sabi ko at dali-daling binuksan ang pintuan at bumaba na sa sasakyan. Hindi ko na din siya nilingon pa hanggang tuluyan na akong nakapasok sa loob ng bahay.

Habol hininga kong sinara agad ang pintuan at tuluyan ng nakahinga nang maluwag ng narinig ko ang pag-alis ng sasakyan niya.

"Fuck" bulong ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko mawari tong nararamdaman ko.

Hapong-hapo akong napaupo sa sofa, hindi ko na alam kung ano tong nararamdaman ko. Para akong pagod na pagod, pagod sa lahat ng bagay, pagod sa sitwasyon ko. Kailangan ko ng magisip ng tama at kailangan kong gawin kung ano ang dapat.
But first of all, kailangan ko talagang makausap ang bestfriend ko. Siya lang talaga mapagsasabihan ko ng problema ko.

Kinuha ko yung laptop at binuksan, wala pang ilang minuto e nagflash na agad sa screen ang mukha ng bestfriend ko na tumatawag sakin sa skype. Nakatunog ata.

"Hey bitch" bungad sakin ni Chloe,bestfriend ko.

"Hey hey" matamlay kong bati. Walang-wala ang energy ko ngayon sa energy ng kaibigan ko.

"Anong problema mo?" Tanong niya agad at nagseryoso na. Alam na alam niya talaga kung may problema ako o wala, ganun din naman ako sakanya.
Naging magkaibigan kami ni Chloe mula nung 2nd year college kami. Magkaiba ang circle of friends namin nung first year at naging close lang kami nung nagtour ang department namin sa Palawan nung 2nd year, mula noon di na kami mapaghiwalay.

"Uy, tulala ka dyan? Ano nga problema mo? Don't tell me na wala at baka liparin ko mula Canada hanggang Pilipinas para lang pektusan ka!" Napangiti ako sa paghihisterya niya. Sobrang miss ko na talaga ang best friend ko. Nasa Canada siya ngayon dahil pinasunod siya ng Ate niya para doon na magtrabaho.

"Baka di mo kayanin ang problema ko girl" sabi ko sabay tayo para makakuha ng juice sa ref. Agad naman akong bumalik sa laptop at baka lumusot na ang kaibigan ko sa sobrang atat niyang pakinggan ang problema ko

"Girl, wala na atang lalala sa naging problema ko" sabay pa kami natawa. Well, kumpara nga naman sa pinagdadaanan niya e sisiw lang tong sa akin. "So ano na?" Dagdag pa nito.

"Well, ganito kasi yun. Yung sakit ni mama lumalala na. At kailangan ko ng pera para mapagamot siya. Girl, di lang basta pera, malaking pera" panimula ko
"Magkano ba kailangan mo? Pwede kita pahiramin kung kaya ko" singit niya
"Patapusin mo muna ko girl" sabi ko sabay tawa pero ang bestfriend ko seryoso lang, mukhang mas dinidibdib pa niya ang problema ko

"Tapos diba kailangan ko ng malaking pera? Malaki, as in milyon ganun. Hindi sapat ang sweldo ko sa trabaho kaya lumapit ako sa tita ko"

"Oh no!!! Mukhang alam ko na!!" Histerya niya. Tumango lang ako bilang sagot. Napailing siya at ibinuka ang bibig pero walang salitang lumabas, hindi din siguro niya alam ang sasabihin sa akin sa sitwasyon ko ngayon.

"Kaya ayun, I asked her kung pwede ba ako maging courtesan para kumita ng malaking pera. Una, hesitant pa siya pero wala na din siya nagawa. Gusto man niya ko tulungan pero ipit din siya sa pamilya ng asawa niya" pagtutuloy ko

"Eh sa papa mo?" Alanganin niyang tanong sa akin.

"Alam mo namang hindi pwede" agap kong sagot

"Pero hindi niya matitiis si tita, diba bilin niya yun na kung may kailangan kayong mag-ina, lunapit lang kayo sakanya?" Napayuko ako, naalala ko nanaman yung dati na ilang taon na ang lumipas, nangako ako sa kanya na kahit anong mangyari hinding-hindi ako hihingi ng tulong sa tatay namin. Usapan namin yun ng kapatid ko sa ama,Hindi ko na matandaan ang itsura niya pero yung mga masasakit na salita niya tandang-tanda ko pa.

"Chloe, baka nga nakalimutan na nun na may anak siya sa iba e" sabi ko na lang pero ang kaibigan ko hindi parin matahimik.

"Imposible! Ikaw makakalimutan ng papa mo? Ikaw pa ba? Eh lahat ata ng properties niya kundi sa'yo, sa mama mo sinunod ang pangalan!" Pahisterya na niyang sigaw. Hindi ko alam kung tama ba na nagsabi ako sa babaeng ito e.

May point siya, halos nga lahat ng properties ni papa e sa amin ni mama sinunod ang pangalan. Gaya ng Isla Charisse sa Palawan at Quezon, Marina Hotel dito sa Manila at Cebu pati na rin sa Thailand at Canada. Marami pang iba, ultimo food chains e halos sa pangalan namin kinuha. Kaya siguro ganun na lang kagalit ang totoong asawa ng papa ko sa amin ni mama.
Hindi naman pu-pwedeng ipaglaban namin na kami ang nauna sa buhay ni papa. Ano nga ba ang laban namin sa Legal na asawa at pamilya?

"Tahimik na kami ni mama, chloe. Ayaw na namin ng gulo. Pag dating sa ganyang usapan malamang makakabangga nanaman namin ang pamilya ni papa at ayoko na ulit mangyari yun. Tama na ang kahihiyang natamo namin noon" litanya ko para matigil na siya. At salamat sa Diyos tumigil na din siya.

"Well, sabihin mo sakin kung anong maitutulong ko sa'yo. Anytime, alam ko namang gagawin ko lahat para mabalik ko lahat ng naitulong niyo sakin ni tita." Sabi niya bago nagpaalam na at shift na niya ulit sa work niya.

Agad ko naman niligpit ang mga gamit ko bago nagbihis. Pupuntahan ko nga pala si mama sa hospital ngayon. Kinuha ko ang bag ko pati na rin yung cheke na bayad sa akin. Tuwing nakikita ko iyon ay nanginginig ang tuhod ko.

Isang milyon, isang milyon lang ang halaga ko.

The Playboy and The CourtesanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon