Chapter 1

7.8K 157 8
  • Dedicated kay @TheMarkOfaPen
                                    

CHARISSE's POV

"Bawal ang ma-inlove, yan ang huwag na huwag mong kakalimutan, ikaw na ang lumayo agad kapag may kakaiba ng nangyayari  sa magiging relasyon niyo. Sa trabahong ito hindi mo dapat pairalin ang puso mo. Tandaan mo, kahit gaano pa kataas ang pinag-aralan natin prosti, bayarang babae o pokpok parin ang tingin nila sa atin.."   Tumango lang ako bilang sagot kay Tita Paula, halos pangatlong beses na ata niyang inuulit 'yan, kulang na nga lang eh sabayan ko siya sa bawat salitang sinasabi. 

Simula pa lang kaninang inaayusan ako, mali. Simula pa lang na magmakaawa ako kay Tita Paula na pumasok sa trabahong ito ay hindi na maalis ang kaba ko. Although naturuan na ako at nakwentuhan na ako ni Tita kung paano ba talaga maging isang Courtesan, kinakabahan pa rin ako sa papasukin kong trabaho.

Bumaba na kami mula sa sasakyan ng makarating na kami sa venue ng auction. Dumoble ang kaba ko lalo't naiisip ko kung may bibili nga ba sa akin. Oo, kasama ako sa isusubasta. Kakaiba ang auction na ito dahil kaming mga courtesan ang isusubasta. Sabi ni Tita Paula lahat ng mga courtesan ay kasali dito, mga courtesan na baguhan gaya ko o yung mga courtesan na bakante, meaning walang mga kliyente. 

"Hija, pasensya na at sa ganitong paraan pa ako makakatulong sa'yo. naiintindihan mo naman hindi ba?" Baling sa akin ni Tita bago kami pumasok sa loob ng building. Tumango ako ulit bilang sagot, ayoko ng magsalita lalo na at nakita kong malungkot ang expression ng mukha niya. Naiintindihan ko siya, ayaw niyang gamitin ang pera ng kanyang kinakasama ngayon dahil gusto niyang patunayan dito at sa pamilya nito na nagbago na siya, na totoo ang pagmamahal niya dito at malinis ang kanyang intensyon. Matagal ng tumigil sa pagiging courtesan si Tita kasabay ng aking mama, pero dahil nga tumatak na sa panggalan niya na 'ganun' siya eh hindi parin maalis-alis ang pagdududa ng kinakasama niya at ng pamilya nito. 

Pagkatapos niya akong kausapin ay sabay na kami pumasok sa loob ng building, kinausap ni Tita Paula yung receptionist at pagkatapos ay pinapasok na kami sa isang pintuan, sa backstage. Rinig na rinig ko mula dito ang ingay na nagmumula sa emcee, mukhang kanina pa nagsimula ang program. Halos hindi ko na nga namalayan na ako na pala ang susunod dahil sa kaba ko na rin

"Hija, yung mga bilin ko ha?" 

The Playboy and The CourtesanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon