Chapter 3

7.5K 143 29
                                    

Pigil hiningang napapikit ako ng mariin bago pa niya maibaba ang boxer shorts niya. Naramdaman kong lumapit siya at tumapat sa akin pero hindi ko parin dinidilat ang mga mata ko, ni hindi ko pa nga nagagawang huminga ulit

"C'mon, don't act like you haven't seen a guy naked" Bulong niya sa tenga ko. Nasaktan ako sa sinabi niya, pero binalewala ko na lang dahil alam ko simula pa lang na ganun na talaga ang tingin niya sa akin.

Huminga ako ng malalim at unti-unting dumilat hanggang sa bumungad sa akin ang matipuno niyang dibdib,ewan ko ba anong pumasok sa isip ko at ipinagpatuloy ko lang ang pagtingin sa dibdib niya pababa sa abs niyang parang nanunuksong magpahawak. Ipagpapatuloy ko na sana pababa yung tingin ko kung hindi lang agad nagregister sa utak ko na wala na talaga siyang saplot, agad naman akong nagtaas ng tingin at tumingala para makita ang mukha niyang sobrang lapit na sa akin

"Satisfied?" Nakangising niyang tanong. Agad naman akong napasinghap ng abutin ng mga kamay niya ang butones ng uniform ko. Shit

"S- sir" Mahinang tawag ko sa kanya pero pinagpatuloy niya lang yung pagtanggal niya ng mga butones. Agad ko naman hinawakan ang kamay niya para pigilan siya, sabay naman nun ang pagkunot ng noo niya. 

"What? Alangan naman na paliguan mo ako ng nakaunifom? Gusto mo bang mabasa ka?" Tanong niya sa akin, so seryoso pala talaga siya na paliliguan ko siya? 

"Wag mong sabihing mas gusto mo pang linisin ang banyo na to kesa sa paliguan ako?" Syempre naman, mas gusto kong linisin ang.......katawan mo

"Yun naman pala,lika na paliguan mo na ako" What? Narinig niya? 

  

"Paanong--"

The Playboy and The CourtesanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon