Chapter 1: How It All Started

5.4K 229 93
                                    

~Gene's POV~

"Andito na tayo! D.O my loves I am already here!"

Yes finally! Nakarating na rin kami sa Korea after so many years. :)

Alam niyo bang ilang snacks at lunch ang tiniis ko maka-ipon lang ako ng ticket papunta dito? Buti na lang di ako nagka-ulcer. Salamat Lord! :)

At oo tama kayo, my loves ko si D.O dahil siya ang ultimate bias ko sa EXO. Ang kaisa-isang KPop group na kinahuhumalingan ko.

Gwapo nila lahat noh? :P

Pero sa kanilang 12, si D.O my loves lang talaga ang nag-stand out for me.

Gwapo na nga, ganda pa ng boses at magaling pa mag-luto.

In short, husband material!

Husband agad noh? Hindi ba pwedeng boyfriend muna? :P

Well, ganun talaga. Doon din naman ang ending naman eh.

Sa kasalan! ^_^

Okay, ako na ang feeling. Ako na ang may mataas na pangarap.

Ano naman ngayon? Ganun naman talaga di ba kapag isa kang super fan girl?

Aminin! :)

"Hoy Gene! Ang ingay mo nakakahiya, pinagtitinginan tayo ng mga tao." Sabi ni Lala.

Si Lala, naging friend ko siya simula nung naging kasection namin siya nung 3rd year college, first sem. Ultimate bias niya ay si Chanyeol.

Kung "my loves" ang endearment ko kay D.O, siya naman "lovey" ang tawag niya kay Chanyeol tangkad.

"Oo nga Gene, baka mahalata na first time natin dito." Dagdag ni Tin.

Si Tin naman ay friend ko na ever since first year college. Siya ata naging una kong kaibigan sa college. Ang bias niya naman ay ang rich kid ng EXO, si Suho.

Silang dalawa ang dahilan kung bakit ako na-adik sa EXO. Si Tin kasi ever since mahilig na sa KPop tapos si Lala naman nung una 'yung pananamit lang ng mga artist ang trip niya. Maganda and unique kasi fashion style ng mga Kpop artist eh. Agree? Ako oo!

Pero eventually pati yung music nila, nagustuhan niya na rin.

Dati kapag nag-uusap 'yang dalawang 'yan, sobrang na-o-OP ako. Kasi naman hirap maka-relate, di ko gets kung ano ba nakita nila sa KPop. Hindi mo naman maintindihan 'yung mga pinagkakanta nila. Na-amaze pa nga ko kung paano nila na-memorize 'yung mga pangalan ng bawat members. Kasi naman para sa akin, magkakamukha sila.

Nakaka-insecure pa 'yung mga boyband, hindi kasi sila gwapo para sa akin. MAGAGANDA sila para sa 'kin. Paano ba naman, ang kikinis, para bang walang pores! Ano bang meron sa kanila? Sila na talaga! Kaiinggit!

Kaya sabi ko sa sarili ko, I will never get addicted to KPop.

However, hindi ko alam na darating ang isang araw na kakain ko pala lahat ng sinabi ko.

One time, may pinapanood si Lala at Tin sa laptop. Nasa dorm kami ni Tin, nagrereview. Ako nag-rereview pero 'yung dalawa, naku nag-iispazz lang naman sa ewan ko kung ano na namang KPop group.

Okay, ako na masipag, sila hindi. Chos! :P

Hindi na nga ko makapag-concentrate sa binabasa ko dahil tawa ng tawa 'yung dalawa. Sinara ko 'yung libro ko at dahil curious ako kung ano ba pinagtatawanan nila, naki-nood ako.

Isang variety show ang pinapanood nila. At guest ang isang KPop group. Puro lalaki at ang dami nila. Mukha sillang mga kamatis sa suot nila dahil lahat sila naka-pula. May subtitle naman 'yung pinapanood nila. Pero tinatamad akong basahin.

BIAS KO, IN LOVE SA'YO? ANYARE?! ( TAGLISH EXO Fan Fiction)Where stories live. Discover now