Chapter 2: Accidentally

3.5K 168 51
                                    

~Lala's POV~

"I'm managing a Kpop group in SM, the EXO."

Nung sinabi ni So Ri 'yun kaming tatlo napanga-nga sa sinabi niya. 'Yung reaction namin pare-pareho, mala-Kyungsoo lang ang mga mata namin sa sobrang gulat.

O_O

Sino ba namang hindi magugulat sa sinabi niya? EXO na ang pinag-uusapan dito. And take note, sabi niya manager siya nila! Like seriously?

"Y-you? E-EXO? M-manager? H-how c-ome?" Nauutal na tanong ni Gene with matching pointing of finger pa kay So Ri.

Gusto ko matawa kay Gene sa istura niya na halos magsalubong na ang kanyang kilay. Nakatingin kaming tatlo kay So Ri at hinihintay ang sagot niya.

Ngumiti lang si So Ri at sumagot, "I'll tell you girls everything as soon as we reach my place."

Eh ano ba yan! Pabitin naman 'tong Koryanang 'to. Mamaya dyino-joke time lang pala kami nito.

"Why not tell it now na kasi?" Pagpupumilit ni Tin.

"Oo nga!" Dagdag ko.

"You know girls, it's a long story. I will tell it mamaya na lang. Okay?" Paniniguro ni So Ri.

"Mamaya ha? Pramis 'yan?" Tanong ni Gene.

Ngumiti si So Ri. "Oo naman."

Waaah! Di na ko makapghintay. And I know pati 'tong sina Gene at Tin di na rin 'yan mapakali sa loob-loob nila.

At gaya nga ng sabi ni So Ri kanina, we are all staying in her place.

One month lang namin kami mag-iistay dito sa Korea. Kung pwede nga lang dito na manirahan eh para forever ko na kasama si Chanyeol lovey ko.

Waah! Kinikilig ako. >///<

Dapat nga mag-che-check in kami sa isang hotel kaso nung nalaman ni So Ri na pupunta kaming tatlo ng Korea, eh inoffer niya na sa kanila na lang daw kami mag-stay. Nung una siyempre, ayaw namin. Kakahiya eh.

Well, ganyan naman tayong mga Pinoy. "Nahihiya" pa daw sa una pero ayun later on naconvince niya rin kami.

Inalok niya eh, sino ba naman kami para tumanggi. And besides malilibre kami sa tirahan. Laking tipid din 'yun noh. Di ba? :P

Eh sa sabi niya na malaki naman daw 'yung tinitirhan niya at mag-isa niya lang so gora naman kami.

Well going back, sa sobrang pagchi-chikahan namin, di na namin namalayan na nakarating na pala kami.

Bumaba na kami sa van at kaming tatlo sabay-sabay na naman kaming na-amaze. Ang ganda kasi nung building at ang taas.

"Wow! Ano 'to sa hotel ka nag-iistay?" Tanong ni Tin kay So Ri.

"Ah sort of." Matipid na sagot ni So Ri.

"Sort of? Eh ano kaya 'yun?" Sambit ni Gene.

Okay pansin ko, medyo magulo kausap 'tong si So Ri ah.

"It's again another part of a long story girls." Sagot niya.

Benta ni Long Story ah. Nagtinginan na lang kaming tatlo at nagkibit-balikat. Alam niyo naman kapag magkakaibigan, tinginan niyo pa lang, gets na agad.

Sumunod na lang kami kay So Ri. Tumigil kami saglit sa lobby at may kinausap siya, receptionist siguro 'yun.

Kaming tatlo, di mapigilan na umikot ang paningin namin dahil siyempre alam niyo naman first time eh. Mukhang mamahalin talaga 'tong lugar. And it seems like exclusive and rich people ang mga nakatira dito.

BIAS KO, IN LOVE SA'YO? ANYARE?! ( TAGLISH EXO Fan Fiction)Onde histórias criam vida. Descubra agora