Chapter 14: Isang Panaginip

3K 210 204
                                    

Guide in reading:

"Sample Text" (Bold) - Conversation in English or in Filipino

"Sample Text" (Bold + Italicized) - Conversation in Korean

▪▪▪

~Gene's POV~

Matagal na akong curious kung totoo ba na pansamantalang nawawala ang problema mo kapag uminom ka ng alak. May iba kasi kapag heartbroken dinadaan sa "maboteng" usapan.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta kung kaya't dito sa bar na ito ako napadpad. Bahala na. Alam kong kapag nalaman nila Mama na uminom ako, malalagot ako. Pero ngayon lang naman. I want to ignore the rules. Isa lang naman ang hindi ko kayang balewalain, ang sakit.

Hindi ko aksidenteng marinig ang usapan ni D.O at Tin sa kusina. I can barely remember their conversation.

"I think I have fallen for you."

"This is not right D.O. You can't fall for me. We can't fall in love with each other."

"But why?"

"Because of Gene."

"Gene?"

"Yes. She likes you D.O and she's my best friend. All this time, she knew that Suho is my bias. But in fact, you are my real bias. And so I can't fall for you unless I tell her the truth. D.O, she needs to know. I don't want to hide anymore. It's hard."

Nasaktan ako dahil nagsinungaling sa akin si Tin. Pero hindi ko akalain na masasaktan din pala ako nang malaman ko na gusto niya din si D.O. Di ba nga nag-momove on na nga ako sa kanya? Tinanggap ko na sa sarili ko na si Tin ang gusto niya simula nung araw na humingi siya ng tulong sa akin para ligawan ang kaibigan ko. Iniwasan ko na nga siya eh. Pinabayaan ko na lang sila.

Okay na ako eh. Pero akala ko lang. Ang sakit pa rin pala. Ang sakit kasi naranasan ko na ito dati. This same kind of heartache. A guy a like, likes my bestfriend.

Highschool ako noon. Sophomore ako at siya ay nasa Junior. His name was Edison. He was part of the basketball varsity team. Matangkad, maputi and in fairness good looking kaya naman maraming nagkaka-crush sa kanya and I thought I was an exception. Mukha kasi siyang mayabang. Feeling ko nga lahat naman ng nasa basketball team eh mayabang at pasikat.

Hanggang sa isang araw, nasa canteen ako noon para kunin 'yung mga meryenda namin for the meeting ng Student Council. Nakalagay kasi sa styrofoam ang mga iyon at medyo madami. Kaya problema ko kung paano ko bubuhatin. Nanghihingi ako kay Manang ng tali pero ayaw ako bigyan. Mapapadali na nga sana ang pagbubuhat kung may tali. Pero ewan ko may dalaw ata si Manang kaya ayaw ako bigyan. Ang sabi niya magtawag na lang ako ng kasama. Dahil ayoko naman makipagtalo pa, babalik na sana ako sa pavillion ng biglang may nagsalita sa tabi ko.

"Tulungan na kita."

I looked up and was surprised. He was smiling at me. Si Edison 'to ah. Mas gwapo pala 'siya pag nakangiti. I thought to myself.

"Baka gutom na mga kasama mo. Dalhin na natin 'to Ms. Secretary." Sabi niya sabay kuha ng mga styrofoam. Tulala lang ako na pinapanood siyang pinagpapatong-patong 'yung mga styrofoam sa kamay niya. Kilala niya ako?

"Saan ba 'to dadalhin?" Tanong niya nang mag-umpisa na siyang maglakad at ako ay nakasunod sa kanya.

"S-sa m-may p-pavillion." Nauutal na sabi ko. Ewan ko bigla ako nahiya.

"Ah okay." Sabi niya at ngumiti. "Marunong ka naman pala mag-salita."

Tinaasan ko naman siya ng kilay. Ano akala niya sa akin pipi? Nahalata niya ata ang pagkairita ko kaya tumawa na lang siya. Ang yabang nito!

BIAS KO, IN LOVE SA'YO? ANYARE?! ( TAGLISH EXO Fan Fiction)Where stories live. Discover now