Chapter 25

70.4K 1.6K 168
                                    

Date uploaded : June 10, 2014

Inihabol ko ito sa 1st year anniversary ng FU group... 

Happy anniversary guys!

I luv u all!!!!

(Sure ako na marami na namang errors ito... hindi ko pa talaga ito na-ba-back read as in! )

CHAPTER 25

Alex

I tried not think about Charles for the past couple of days. Mahirap, pero kailangan. I don't want to be miserable all my life. Ayoko din maapektohan ang grades ko ng dahil lang sa kakaisip sa kanya. Kaya todo kayod na lang sa pag-aaral just to take my mind off the guy who had shattered my heart into pieces. At kung walq na akong ginagawa, nag aadvance study na lang ako para parating occupied ang utak ko. kapag kasi napapahinto ako, puro ang lalakeng iyon ang nag-t-take over ng isip ko.

As for Charles, after a few weeks of trying, he finally gave up. Actually, hindi ko  nga din mawari ang sarili ko kung ma-re-relieve ako o malulungkot ako. I mean.. I don't know... he just finally gave up! at ang hindi ko maintindihan, ay noong dating naghahabol habol sya sa akin ay sobrang naiinis ako! kulang na lang ay burahin ko ang mukha nya para hindi ko na kailanman makita ang pagmumukha nya, but now, i finally realize that I miss him..

Haist! Ngayon ko napatunayan na certified, as in 100%, without a doubt na ... BABAE AKO!

Ayaw ko syang makita kahit anino man lang nya nitong mga nakaraang araw, pero ngayon na parang bale wala na sa kanya at mukhang naka-move on na sya, bakit para namang mas lalo akong nasasaktan ngayon. Sa totoo lang, kahit ako... hindi ko kayang ispelengin itong nararamdaman ko. gusto ko na ngang sabunutan ang sarili ko!!!! As in Aaaaaarrrrgggg!!!!!

isa pa..m Aaaaaaarrrrrggggg!

bigla biglang naramdaman ko ang.isang mabigat na kamay na bumatok sa akin!!!!

"Ang sakit non a!"

Tinignan ko ng masama si Red! KAINIS!!!! MAGKAPATID NGA SILANG DALAWA NI SKY… NO DOUBT!!!

Inismidan lang ako sabay subo sa bitbit nyang cronuts na sobrang nyang kinaaadikan.

"Anong bang problema mo.. ha... Red! nananahimik ako dito, kung makabatok ka dyan parang matatanggal ang ulo ko sa leeg ko!"

"Para ka kasing tanga dyan.. Aaarg ka ng Arrrg. para kang asong ulol!"

Gaganti sana ako ng may tumawag sa akin.

"Nandito na naman ang mga kaibigan mong mga prinsesita!" she said mockingly while rolling her eyes.

Napatayo ako sa kinauupuan ko at hinila ko ang kamay ni Red.

“Naku.. tara na Red…malapit na sila!”

Pero sa halip na tumayo sya ay hinila nyang pabalik ang kamay nya.

“At ano.. tatakas ka na naman?”

“E ano pa ba? And besides, I know you don’t like their company.”

“At sino naman ang nagsabi sa yo nyan?”

Nagtaka ako sa sinabi nya. Akala ko hindi nya type ang mga tinatawag nyang “prinsesita”? She’s always mocking them, that’s why I had the impression that she don’t like them.

“Ummmm.. hmmmm… uu nga ano… wala ka nga naming sinabi. Pero….”

“Harapin mo nga sila. Sinasabi mong kaibigan mo sila pero tatakbo takbo ka. ok lang sana kung ikaw lang, e sinasabit mo pa ako sa kalokohan mo.”

"FIRST BASE" : FALCON UNIVERSITY Season 2  COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon