Chapter 13 part 1

108K 1.1K 125
                                    

AN..

Thanks Niki Camero for the very useful information... 

well.. what can I say.. the FU group really rocks!!

Kaya pamember na po kayo... add nyo na rin po ako.. and like my page... 

Chapter 13 part 1

Alex

"FREEDOM!!!!!"

Masayang masaya akong nagtatakbo palabas ng cabin, wala na akong pakialam kahit magmukha pa akong engot! First day ko sa labas cabin after a week. Grabe na talaga ito. Ako na napaka restless na tao ay nakatiis ng isang linggong pagkakakulong! Achievement na talaga ito! Ngayon, Alam ko na ang feeling ng mga preso na na-grant ng parole!

Pagkabigay na pagkabigay sa akin ni headmaster ng clearance slip ay lumabas na ako sa bartolina. Iniwan ko nga sila sa cabin. Bahala na silang lumabas alam naman siguro nila ang daan at hindi na nila kailangan ng tour guide.hehehehe

"Hello sun! I miss you!" Pimikit ako at itinaas ko ang mga kamay ko at nagpa-ikot ikot. Hindi ko akalain na sa loob ng isang linggong pagkakabartolina ay ma-mi-miss ko kahit ang mga simpleng bagay. "Hello pine trees. Hello flowers... Hello...."

"ALEX!!!!"

Lumingon ako sa tumawag sa kin.

"Chloe!" Nagtatatakbo sya papunta sa kin at nakangiti ng bonggang bongga!

Niyakap nya ako ng makarating sya sa kin at halos matumba ako sa impact nya. Ang drama a! But never the less.. I miss her so much. Na-miss ko ang presence nya sa cabin. Na-miss ko talaga nag may kasama, may nakakausap at may kinukulit. Katuwa lang itong babaeng ito. Pinagtyagaan talaga ako. Alam kong ayaw na ayaw nya ang napupuyat pero pinag-tyagaan nya akong tawag tawagan para lang may companion ako. Grabe ang effort nya, abot hanggang langit!

Si Zia, tinatawagan din nya ako. Pero masyado syang ngarag sa mga klase nya kaya naiintindihan ko na palaging nagmamadali kapag tumatawag. Nangangamusta lang pagkatapos ay babush na.

What I don't understand is.... what happened to Charles? Wala man lang akong na-receive kahit isa.. isa man lang na tawag! O kaya text man lang. Minsan nagkalakas ako ng loob na tawagan sya. Out of coverage area naman? Nakapatay ang cellphone? Gusto ko sanang magtampo, pero anong karapatan ko? Anong magagawa ko kung hindi nya ako tawagan? Wala naman syang obligasyon sa akin.

Na-mi-miss ko lang talaga siguro sya, kaya nalulungkot ako ng hindi ko man lang narinig ang ang boses nya sa loob ng isang linggo.

"I can't wait to go back to my room! Samahan mo ako, kunin ko lang mga gamit ko sa cabin ni Zia. Tulungan mo na rin akong magbuhat."

"OK.. pero libot muna tayo.. it's a Saturday.. ano bang happenings ngayon? Ang where are the others? Saka asan na yung buntot mo?"

She made a face.

"Others? They’re in the football field right now. May traditional fair ngayon and lahat ng mga organizations may booth. Well si Dyllan saka si Charles ang nag-oorganize ng booth ng basketball team. At ako naman, wala naman akong org kaya pagala gala lang ako.  At ano na naman yang buntot na pinagsasasabi mo? Ano ka ba! Hindi naman ako pusa!"

Ay nakalimutan ko si muning sa sobrang pagmamadali kong makalabas ng bahay! Hindi ko pa napapakain. Ang bad kong mommy!

"Balik muna tayo sa cabin! Hindi ko pa napapakain yung anak ko! "Kinuha ko yung kamay ni Chloe at kinaladkad ko sya pabalik sa cabin.

"FIRST BASE" : FALCON UNIVERSITY Season 2  COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon