Chapter 18 part 2

89.5K 1.2K 184
                                    

Date uploaded: April 22, 2014

Chapter 18 part 2

Alex

Yes! I made it! bwahahahahaha! nakangiti akong nakatingin sa paparating na private plane na gagamitin namin papuntang Singapore! From Baguio diretso na kami sa Singapore.hahahaha! Tagumpay! bwahahahaha! And I am here sitting beside 3 of the most gorgeous guys in the planet. Sinundo pa nila ako kaninang madaling araw baka daw hindi ako magising. Hindi talaga ako magigising dahil hindi naman ako nakatulog!

Si Vince, nakasuot ang earphones at nakatingin sa kawalan. Si Dyllan, kanina pa text na text na halos maupod na ang daliri. Hulaan nyo na lang kung sina ang ka-text… And the guy beside me is teasing me like crazy!

"You're grinning like a cheshire cat again." May bumulong sa tenga ko. hearing his voice sends chills down to my spine! ahihihihihi!

"Hindi a!"

Napangiti sa akin si Charles na halos hindi ko ma contain ang sarili ko at gusto kong maglupasay sa sobrang killlliiigggg! Actually simula noong nagusap kami, kahapon ko lang sya ulit nakita sa final practice, dahil nga sobrang busy ako kakaaral ng mga cheerleading moves. Mabuti nga at nakarecover na ang katawan ko sa matinding torture!

"You should see yourself in the mirror, para kang pusa na nakahuli ng daga."

"Bakit masama bang ngumiti at maging masaya?"

"That depends if you are planning something that will disrupt the peaceful flight. For the past years since we’ve been travelling with the whole team, maayos ang lahat, ewan ko lang ngayon."

ABA! ABA! ABA!

"Hindi naman ako mang ha high jack!"

Ikaw lang ang ha-hi-jackin ko! Bwahahahaha!

"But I still can't believe that you pulled it off! At wala kang lang nabanggit sa amin!"

"Surprise nga e!” I shrugged.”Well, it’s really more like I’m not exactly sure kung talagang isasama nila ako since it’s just a week since I volunteered myself, baka magkalat ako. But I guess, nag-pay-off naman ang mga paghihirap ko and here I am! Mind over matter! Hahahaha! "

" Yeah you’re here. Pero diba sinabi mo sa 'kin dati, cheerleaders are like circus clowns......."

Tinakpan kong bigla ang bibig ni Charles at tumingin sa paligid, baka may nakarinig!

" Pasaway ka! Wag ka ngang maingay!"

Natawa si Charles. Tinanggal nya ang kamay ko sa bibig nya at hinayaan nya lang na nakahawak sya sa kamay ko.

"I don't care what change your mind about the squad, but, I'm glad you did." Tinitigan nya ako na para bang pakiramdam ko ay malukusaw ako!

Bigla kong binawi ang kamay ko. Ayoko namang magpaka engot dito, baka bigala akong maglupasay sa sobrang kakiligan!

Shoooooookkkkkssssss! Hanubeyen!

Tumayo ako.

“CR muna ako.”

Hindi ko na sya inantay makasagot at umalis na ako. Kailangan ko munang maka-get away at pakiramdam ko nangangamatis na ang mukha ko.

I can't help but smile when I remembered our last practice at the gym yesterday.

Lahat busy busyhan sa pag-s-stretch,ng pumasok kami ni Noelle. Maarte din kasi si Noelle, ang gusto nya, dramatic entrance. Na-achieve naman nya dahil napatigil ang lahat at nakatingin sa akin. Bigla din napahinto ang basketball team sa pagpa-practice na nasa kabilang side ng gym.

"FIRST BASE" : FALCON UNIVERSITY Season 2  COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon