Chapter 39

1.1K 35 5
                                    

Vanellope's POV

Pumasok ako ng bahay ng parang namanhid ang buong katawan ko. Ang bigat ng bawat hakbang ko.

"Ate?"

Si Ten.. kung hindi ako makikipaghiwalay kay Baste..

"Ate?"

Papatayin nila ito. Hindi ko maitanggi na malakas siya. Isa ang Wills sa pinaka maipluwensya na Mafia.

"Ate??"

Pero pag hiniwalayan ko si Baste..

"Ate!!"

Napatitig ako sa lalaking humawak sa magkabilang balikat ko at tiningnan ako ng diretso sa mata.

"T-ten.."

"Are you okay? Are you not feeling well?" Nag alala nyang tanong

Hindi ako nakasagot agad. Okay? Hindi. Hindi talaga ako okay. Choosing between over two guys I love and already part of my life is hard.

"Y-yes.."

"Bakit namumutla ka? Sino yung tumawag?"

"W-wala. Si Trix. Akyat muna ako" umakyat ako papuntang kwarto

Hindi nya dapat malaman. Wala syang dapat malaman.

Napaupo ako sa sahig pagkapasok ko sa kwarto ko. Nanlambot ang mga paa ko. Palaging nag-e-echo sakin ang sinabi ng ate ni Baste. Hindi naman ako nage-expect na hindi wala syang gawin para mailayo kami ni Baste sa isa't-isa pero hindi ko lang in-expect na madadamay si Ten at buhay pa nito ang kapalit. Gusto nya ang madugong paraan.

Ayokong mamili. Importante silang dalawa sakin. Pero anong gagawin ko? I can't fight her head-on.

Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko.

Paano kung.. tinatakot nya lang ako? Posible naman yun pero.. bakit parang hindi?

"Bwesit!!" Galit kong sigaw habang ginugulo ang buhok ko

Ten's POV

"Bwesit!!"

Dinig kong sigaw ni ate pagkadaan ko sa kwarto nya. Kaya kumatok ako sa pintuan

"Ate? Okay ka lang?"

Hindi sya sumagot. Pinihit ko ang door knob pero lock ito.

May nangyari ba? Okay naman sila ni Williams ah.

Bumaba nalang ako at pumuntang kusina para uminom ng tubig.

-----------------------

Ako ang nagluto ng haponan namin kasi hindi padin bumababa si ate sa kwarto nya. Hindi pa din umuuwi si kuya simula nung pumunta kami ng California. Tapos na akong magluto at naglapag na rin ako ng mga pinggan sa lamesa kaya si ate nalang ang hinihintay ko. Umakyat ako at kinatok ang pintuan ng kwarto nya

"Ate kakain na tayo. The dinner is ready" sabi ko

Hindi sya sumagot ng ilang segundo kaya kakatokin ko sana ulit sya pero biglang bumukas ang pinto nya at niluwa dun si ate

"Anong oras na ba?" Tanong nya

Napatingin ako sa relo ko saglit at tiningnan sya

"8 P.M. sharp"

Napapikit sya at minasahe ang bridge ng ilong nya

"Sorry. Let's go eat" sabi nya at tumingin sakin saglit at ngumiti

Nauna syang bumaba kaya nakasunod lang ako sa kanya papuntang dining room

Nagsimula na syang kumain pero napakatahimik nya. Hindi naman sya madaldal pero nakikipag usap naman sya sakin pag kumakain kami kahit saglit lang tapos halata kasi na wala sya sa mood.

BAD but GOOD (BGMBB BOOK ll)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon