Chapter 2

3.1K 146 24
                                    

Sebastian's POV

"Unsure?? Are you kidding me?! Anong room sya?"

Biglang bumukas yung pintuan na nasa tapat namin at iniluwa dun si Lyle na may black eye sa mata.

"Lyle?" Lumapit ako sa kanya at tinitigan yung mukha nya

"Gago ka Seb! Sabi ko sayo eh delikado yung gagawin natin!" Inis nyang sabi sakin habang kinikwelyohan ako

Tinulak ko sya sa inis. Ano bang nangyayari dito?

"Ano ba yang pinagsasasabi mo? San si Vanellope? Lyle pag ikaw may ginawa papatayin kitang gago ka!" Galit kong sabi sa kanya

Pero imbes matakot sya, tinaasan nya ako ng kilay at susugurin sana peeo nahawakan sya ni Vanther

"Ikaw pa may gana magalit ngayon? Wow!" Inis na sabi nya

"Bakit naman hindi eh tingnan mi nangyari sa best friend mo!"

"Si Vanellope?"

"Ay hindi! Si Ten! Si Ten yung best friend mo! +______+"

"Bakit ba kayo nagsisigawan eh ang lapit lapit nyo lang! Nasa ospital pa kayo!" Napatingin ako sa babaeng galit

Si.. si Vanellope!

Nilapitan ko sya at chineck kung may galos ba sya pero wala naman

"Okay ka lang? Walang masakit?" Alala kong sabi sa kanya pero naka poker face lang ang maldita

"Natural magiging okay yan! Paanong hindi eh amazona yang girlpreen mo!" Sigaw ni Khabie sa loob ng room

Sumilip ako sa loob at nakita siya na nakahiga sa gospital bed. May benda sa kamay at paa. May pasa din yung mukha nya. Si Maez naman may pasa din sa mukha. Lalo na si Nathan. Si Thaeyo naman may tissue sa ilong. Mas malala lang talaga sinapit ni Khabie

"Anong.. nangyari sa inyo?"

"Gago ka Seb! Sinabihan ko sana kami na kumakain ng buhay yang girlpreen mo! Tingnan mo itsura namin ngayon! =______=" - Khabie

"Tanga ang sakit ng panga ko. Ang lakas manuntok. Nakatulog talaga ako =______=" - Nathan

"Nagmukha na akong panda sa lagay nato ToT" - Maez

"Ang sakit ng ilong ko -_______-" - Thaeyo

"Lalaki yang girlpreen mo eh, hindi babae. Sure ako Seb"

"Eh kung tuluyan ko nalang kayo jan para manahimik kayo?" Inis na singit ni Vanellope

Napasapo nalang ako sa noo ko. Alam ko na kung bakit sila nagkaganito. Si Khabie kasi yung nagplano na kikidnapin nila si Vanellope tapos si Ten kunwari sasaktan nila para malilit na sumama si Vanellope sa kanila at dadalhin nila dun sa Garden kung saan kami mag cecelebrate ng monthsary namin.

Sabi ko na eh kabaliktaran talaga mangyayari pero pinipilit talaga ni Khabie

"Sabi ko naman sa inyo eh delikado! Tapos ako pa yung sisisihin nyo? Kayo nga ang nag-iinsist na gawin yun para maiba naman! Anong nangyari sa inyo ngayon?"

Inismiran nila akong tatlo. Si Lyle naman nasa likod ko at tinatapunan ako ng masasamang tingin.

"Anong nangyari sa kamay ni Khabie?" Tanong ko kay Vanellope

"Na dislocate -______-"

=_______________=

"May plano ka talagang patayin sila eh no?"

BAD but GOOD (BGMBB BOOK ll)Where stories live. Discover now