Chapter 34

1.3K 55 10
                                    

Sebastian's POV

5:32 A.M.

Umaga na pala. Hindi pala ako nakatulog? Hindi ulit ako nakatulog? Tch.

Kung hindi ako makakatulog, 2-3 hours lang ako nakakatulog pagkatapos ng away namin ni Ell. It's already December. Isang buwan na ang lumipas nung nag away kami pero wala. Hindi kami nagka-ayos. I tried to talk to her pero pag pupunta ako sa kanila, hindi ko sya naabotan. Hindi ko sya matawagan, kasi wala syang phone at sabi ni Ten ayaw nya daw bumili. I tried to give my phone back but she refused to. Nung araw na pumayag sya na makapag usap kami, hindi ako nakapunta. Hindi ko kasi namalayan ang oras sa sobrang busy ng paggawa namin sa Thesis. It was already midnight when I remembered that I we had plans. I made her wait when I shouldn't be. I went to her house, hindi pa daw umuuwi. I went back to the place where we agreed to meet pero nasa sasakyan na sya at papaalis na. Sa school naman hindi na sya pumupunta kasi wala na silang mata-tackle na lesson at may ipapasa nalang na requirement. 1 month. Isang buwan na walang contact, pagkikita, hindi nagkakausap na para akong pinapatay sa pagka miss sa kanya.

"Baby!! Good morning!!" Biglang sumalampak si ate sa likuran ko at hinalikan ang ulo ko

Hindi ako kumibo. Sa halip ay nakatitig parin ako sa picture namin ni Ell. Namimiss ko na sya. Sobra. Yung ngiti nya, paggiging sadista nya, yung paggiging selosa at maldita nya, yung mga tingin nya sakin na nagsasabing 'mahal kita' kahit hindi nya masabi-sabi. Shit! Hindi ko mapigilan ang hindi mapaluha.

"Baby, get over her! Isang buwan na kayong walang kumunikasyon! She already dump you!"

"Hindi porke't wala kaming kumunikasyon, iniwan na nya ako. I know she has a reason!" Inis kong sabi sa kanya sabay pahid sa luha ko

"C'mmon Sebastian! She's not the one for you. You're still young and you can find better than her! Like Dara. She has the qu--"

Bumangon ako at galit na humarap sa kanya

"Stop bad-mouthing my girlfriend just because you don't like her! Wala syang kasalanan sa pang iiwan ni TOP sayo kaya pwede ba?! Stop pushing me to my limits! You know how much I hate that bitch! Because of her kaya nagkakaganito kami ni Ell!" Tumayo ako at pumunta sa pintuan at binuksan ito

"Leave" nangangalaiti kong sabi

"You changed a lot, Rein. At dahil yan k--"

"LEAVE!!" Galit kong sigaw sa kanya na ikinagugulat na niya

Nagsimula syang maglakad palabas at sinarhan ko yung pinto ng padabog.

Alam kong mali ang sigawan ko sya. Mali din naman kasi na ipagtulakan nya ako sa babaeng hindi ko gusto at kailanman hinding-hindi ko magugustuhan. Palagi pa nyang pinagsasalitaan si Ell ng masama na kesyo ganyan, ganito. Kung makapagsalita kasi sya parang may alam sya eh wala naman!

Humiga ako ulit sa kama ko at tinakpan ang mukha ko ng unan.

Andito ako ngayon sa L.A. Umuwi kami lahat ng mga kaibigan ko. And today is December 24. Which means desperas na ng pasko. Which makes me more lonely. Gusto ko kasing makasama ulit si Ell sa pasko. Kasama syang salubungin ang pasko. Last year kasi umuwi naman ako dito but hindi ako dito nagpasko kasi umuwi din ako ng pinas 2 days before Christmas.

San kaya sila magpapasko? Hindi kas sinasagot ni Ten ang mga texts ko. Hindi din sya ma contact. Wala din akong number ni TOP. I doubt kung meron si ate. Bitter yun kaya imposible.

----------------------------

Tapos na akong maligo, magtoothbrush pero hindi pa ako nakapag breakfast. May iniwan naman yung katulong sa desk ko na pagkain pero hindi ko magawang galawin yun. Nilalamon ako ng nilalamon sa kalungkutan. I missed her that badly.

BAD but GOOD (BGMBB BOOK ll)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon