Chapter 14: Confused

178 14 2
                                    

Chapter 14: Confused

Fayde's P.O.V

"Hero?" Sabay na tawag namin ni Rupert kay Hero.

As usual hindi siya sumagot, tumingin siya kay Rupert pero hindi din nagtagal mabilis niyang ibinaling sa akin ang tingin niya. Tiningnan lang niya ako ng masama. Mas lalo tuloy akong naconcious sa itsura ko ngayon. Kung makatingin naman kasi parang huhubaran na ako. Muka pa naman yata akong minolestiya. Hwaaah! Ang pangit ko siguro!

Tinanggal naman na ni Rupert yung kamay niya sa ulo. At nawala yung nakadrawing na ngiti sa muka niya, medyo lumayo din siya sakin ng isa o dalawang habang yata. Bakit kaya?

Agad namang lumapit sakin si Hero at inabot sakin ang kanina'y suot niyang jacket. Napatingin naman ako sa kanya na parang nagtatanong na 'anong gagawin ko diyan?'.

Mukang nabasa niya ang iniisip ko dahil isinuot na niya sakin yung jacket niya ng walang pasabi. Sa pagsuot niya sakin ay hindi ko naiwasang mapalapit sa kanya kaya naman amoy na amoy ko siya. Letse ang bango, amoy chocolate! Nagutom tuloy ako bigla!

"Sige ako na. Salamat." Awkward na sabi ko sakanya sabay layo ng konti at ibinalot ko ng maigi yung jacket niya sa katawan ko.

"Who raped you?" Naiinis na tono at diretsong tanong ni Hero sakin.

Napa nga-nga naman ako sa tanong niya. Who raped you talaga?? Muka ba talaga akong narape? Huhu

Umiling lang ako at yumuko. Nahihiya na talaga ako sa itsura ko. Gusto ko nang maglaho sa harap nila ng parang bula. Pakiramdam ko ang laswa ng itsura ko.

"fck!" Mura ni Hero. Kaya agad akong napaangat ng tingin sa kanya. At nakita ko ang galit na muka niyang nakatingin kay Rupert! Waaah! Nakakatakot!

Mabilis niyang hinablot ang kwelyo ni Rupert at inangat ito. Tiningnan niya si Rupert ng masama na parang naghahamon siya nang suntukan o patayan. Hwaaah!

Anong nangyayari? Magka-away ba sila ni Rupert? Hindi ba't magkaibigan sila?

"What happened?" Nagngingitngit sa galit na tanong ni Hero kay Rupert.

Agad akong napatingin kay Rupert at inantay kung ano ang sasabihin niya, pero ngumiti lang siya ng nakakaloko kay Hero dahilan para suntukin siya nito. Hwaaah!

Napalundag naman ako sa gulat ng suntukin ni Hero si Rupert. Si Rupert naman kasi nakuha pang asarin si Hero. Pa-smirk smirk pa siya. Eh mukang isang maling sagot niya lang e kakainin siya nito ng buhay. Hwaaah nakakatakot!

Takot at kinakabahan kong nilapitan si Hero at hinawakan ang kamay niyang susuntok sana ulit kay Rupert. "T-tama na!" Awat ko kay Hero.

The Villain HeroWhere stories live. Discover now