Chapter 16: Zombie

379 35 18
                                    

Chapter 16: Zombie

Fayde's P.O.V

"Jusko ginulat mo naman ako." *pout*

"Tell me, are you a brainless or what?"

Ano daw? Brainless? As in walang utak sa tagalog? Waaah! Grabi naman siya, nagulat lang ako sa kanya wala na agad akong utak!

"Ang sakit mo naman magsalita. May utak ako noh!" I said as a matter of fact.

"A zombie perhaps?!”

Grabi naman to! E bukod sa walang utak yun ang pangit nun.

"I told you to answer your phone whenever I call you!" Medyo irita niyang sabi sakin. Oo nga, sinabi nga niya yon. Di ko naman nakakalimutan e.

"Oo alam ko, naalala ko." Walang kabuhay buhay na sagot ko sa kanya. Wala akong time ngayon mag reminisce. Ang kailangan ko ngayon ay pera para makauwi na ako at makapag palit na ko ng damit. Muka akong kawawa sa lagay ko ngayon e.

"So why you didn't answer my damn calls?" Mataas na tono niyang tanong sakin, daig pa si mama kung magalit.

"Oo sige, baka may dala akong cellphone noh?" Sarcastic kong sagot sa kanya. Shunga din to e noh?! At tsaka bakit nanaman ba siya tumatawag? Hindi ko talaga to maintindihan kung ano ba talaga ang kailangan niya sakin at bakit palagi na lang niya akong ginugulo.

Hindi siya sumagot, mukang naisip niyang mali siya. Wow sa wakas naisip din niyang may tama ako.

"Oh ano? Di ka makasagot noh? Ikaw naman kasi para kang babae. Alam mo yun? Ang daldal mo, lagi mo na lang akong pina-"

"Okay sorry."

"Ha? Ano yon?" Tanong ko sa kanya. Narinig ko ng malinaw yung okay, pero yung huli niyang sinabi, sorry ba yon?

"Never mind tss!"

Whoa? Sorry nga siguro yon. Nahiya pa siyang ulitin, sus.

"Marunong ka pala magsorry?" Gulat na tanong ko sa kanya. Para akong batang na-amaze sa bagong laruan ng kalaro ko. Parang wala kasi sa personality niya yon. Hehe

"Of course. I'm not a zombie like you."

Anong zombie?

"Brainless tss!" Narinig kong bulong niya.

Ayan nanaman siya sa brainless thing niya. Bahala na nga siya diyan. Kailangan ko na magsimula maglakad para maka-uwi agad ako. Malabong magkaroon ako ng pera dito. No choice, lakad talaga.

Nagsimula na ako maglakad.  Iniwan ko na siya doon.

"Hey Zombie! Come back here!" Tawag niya sakin.

Hay nako, bahala siya diyan. Pinagpatuloy ko na yug paglalakad ko. Di ko na siya pinansin. Mas binilisan ko pa yung lakad ko para maka-uwi na rin kaagad ako. Malayo layo pa tong lalakarin ko.

Maya maya nakarinig ako ng malakas na busina ng sasakyan. Pagtingin ko sa gilid ko may sasakyang sumusunod sakin. Wow ang ganda naman ng sasakyan na to. Tinted siya kaya di ko makita yung nakasakay sa loob. Pero teka? Bakit sumusunod sakin to? Waaah! Baka kidnaper to? Medyo lumayo ako sa kalsada. Pero hindi ba pag mga kidnaper van ung ginagamit nilang sasakyan? Sosyal naman ng kidnaper na to, sport car pa ang gamit!

Hindi ko alam kung magpapanic ba ako o hindi, parang gusto ko kasi ma-experience sumakay sa sport car. Hehe kung kidnapin man ako okay lang. Haha de joke lang. XD

The Villain HeroWhere stories live. Discover now