Chapter 7: Lying skill

304 32 7
                                    

Chapter 7: Lying skill

Fayde's P.O.V

"Mahal, gising na. Bumaba kana, kakain na tayo."

Pangalawang balik na niya dito sa kwarto ko, kanina parin siya katok ng katok pero hindi parin ako lumalabas. Ginigising na niya ako kanina pa, eh hindi pa nga ako nakakatulog tapos gigisingin na agad ako!

Madaling araw na ako naka-uwi kanina, paano  naman kasi hindi ko alam yung lugar na pinagdalahan sakin nung Hero na un, naligaw tuloy ako. Tapos magdamag ko pang-inisip si Erenz ko! Paano ako makakatulog kung alam kong galit siya sakin! Idagdag niyo pang may manyakis na humalik sakin! Napakamalas ko talagang nilalang. Yung first kiss ko sa lips napunta lang sa manyakis!

Paano kapag nakipag hiwalay sakin si Erenz?

Tapos maging kami ni Hero?

Waaahh! Ayoko!

Makabangon na nga, ayoko na umasang makakatulog pa ako baka bangungutin lang ako sa mga naiisip ko. Akala ko pa naman dahil sabado ngayon at walang pasok makakapag pahinga na ako, hindi pala.

Nag-ayos muna ako ng sarili ko..

Pagbaba ko sa kusina..

May kausap itong mahal ko,muka siyang worried..

"Mahal sino po kausap mo?" Tanong ko sa kanya sabay bukas ng ref. gusto ko ng ice cream.

Cookies and cream, chalap. Pwede na to. Mababawasan na pagkadepress ko nito! 

Pagtingin ko sa kanya, Luh? Di yata ako narinig kanina.

"Mahal!!" Tawag ko sa kanya.

Mahal tawagan namin ni mama, sabi niya mahal naman daw namin ang isa't-isa kaya mahal na lang daw tawagan namin. Pero minsan Ma lang tawag ko pinaiksi ko lang yung mahal hehe. Ang cheesy kasi ni mama mahawa pa ko.

Napansin na niya existence ko, napatingin siya sakin.

"Sino po yan?" Tanong ko ulit,sabay subo ng ice cream

May sinasabi siya, pero walang boses siyang nagsasalita, para siguro hindi marinig ng kausap niya yung pagsagot niya sa tanong ko. Binasa ko yung sinasabi ng labi ni mama. At ang sabi nito ay..

T-E-R-R-E-N-C-E ?!

The Villain HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon