Chapter 5: He leaves me breathless

433 33 7
                                    

Chapter 5: He leaves me breathless

Fayde's P.O.V 

Bakit siya? Hindi ko inaasahan na makikita ko pa siya ulit, at lalong hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari kapag nagkita kami ulit

First time kong natakot sa isang tao ng ganito katindi. Sa tuwing makikita ko ba siya ay palagi na lang akong kakabahan at matatakot? Naalala ko noong unang beses ko siyang nakita nainis ako sa kanya non dahil inagawan niya ako ng taxi, tapos kinabahan din ako sa kanya nun ng sobra kasi nasira ko yung cellphone niya tapos nasuntok ko pa siya at akala ko dahil doon ipagsasabi niya yung tungkol sa nakita niya sa amin ni Erenz, pero hindi naman niya ginawa diba? Hindi nga ba? Ewan. Gusto ko siyang pagkatiwalaan dahil wala naman akong choice di ba?

Anong bang kailangan niya sakin ngayon? Isang buwan na ang lumipas hindi pa ba niya nakakalimutan ang nangyari. Wala siyang mapapala sa akin.

Ayoko nang makita pa siya, tingin pa lang niya masyado na akong kinakabahan at natatakot. Sisiguraduhin kong ito na ang huli naming pagkikita.

"Ano ba? Bitawan mo ako. N-nasasaktan na a-ako!" Tumahan na ako sa pag-iyak pero barado na ung ilong ko. Nagkasipon na ako kakaiyak!

Nasasaktan na ako sa paghawak niya sakin. Hinatak ko pabalik sa akin ang braso ko. Pero di niya pinakawalan mas lalo pa niyang hinigpitan ang hawak.

Hindi siya sumagot. Katulad ng ginawa niya noong una kaming magkita, tinitigan niya lang ako sa mga mata ko..

Wala ba siyang ibang alam gawin kundi tumitig lang? ah wait meron pa pala..

Manakot ng sobra at magpakaba ng sobra..

Iniwas ko ang tingin ko. Alam niyo naman na di ko kayang makipagtitigan sa kanya. Feeling ko kinukuha niya kaluluwa ko. Basta! Ung mata niya kasi masyadong fiercing. Kahit kayo hindi niyo kakayanin.

"Humarap ka!" Mariin niyang sabi.

Wala sa itsura niya na masama siyang tao. Bakit niya ba to ginagawa sa akin?

"Ayoko!" Pagmamatigas ko.

Hinawakan niya ako sa panga, at sapilitan niyang hinarap ang muka ko sa kanya

Curse him!! Ang sakit ng hawak niya sa panga ko!!

"Ano ba? Pakawalan mo nga ako!" Pagpupumiglas ko. Di ko na to kaya baka mabalian ako ng buto kapag nanatili pa ko sa hawak niya.

Imbis na bitawan niya ako, Isinandal niya ako sa sasakyan niya at..

HINALIKAN!

The Villain HeroWhere stories live. Discover now