Chapter 3: Meet him

464 42 22
                                    

Chapter 3: Meet him

Fayde's P.O.V

Tinitigan niya ako sa mga mata. Ung tingin na may gustong sabihin o iparating.

Di ko kayang makipagtitigan sa kanya, nahihiya ako. Hindi ko alam kung bakit, basta nakaramdam ako ng hiya sa kanya.

Dahan dahan kong iniwas ung mata ko sa kanya.

"A-ano kas-kasi.." Nauutal utal ako!

"Itatanong mo ba kung nakita ko kayo ng boyfriend mong teacher na magkayap?" Diretsong tanong niya.

Ibig sabihin, nakita nga niya talaga?

Ung dibdib ko nagwawala na sa kaba!

Pwede patayin niyo na lang ako? Kahit sino sainyo, please lang!

"Pwede wag mo ilakas boses mo?" I asked him to lower his voice.

Tumingin ako sa paligid, buti na lang class hour at wala masyadong tao dito sa labas kung hindi patay talaga ako.

"Ahh.. Natatakot ka bang malaman ng iba na may relasyon kayo ng teacher na yon?" Tanong ng lalaking to. Nakaka-asar yung tono niya, parang may masamang gagawin o hindi kaya'y may masamang binabalak.

Hindi ako makasagot. Na stiff ako sa tanong niya.

Totoo naman kasi natatakot akong may maka-alam. Magdadalawang taon na kame ni Erenz pero wala ni isa sa school o sa mga kaibigan ko ang nakaka-alam ng relasyon namin. Ayokong may maka-alam! Hindi sa kinahihiya ko siya, sa katunayan sobrang proud ako sa kanya. Ang kaso nga lang teacher na siya at studyante lang ako, pag nalaman ng lahat siguradong huhusgahan lang nila kami, lalayuan ako ng mga kaibigan ko. Hindi nila maiintindihan sitwasyon namin.

"Am I right?" Tanong niya ulit.

Pero hindi nanaman ako makasagot. Hindi ko maidepensa ung side ko. Parang nawalan ako ng boses..

All I can do is to stare at him, blankly.

The Villain HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon