Chapter 8: Just a kiss

354 33 24
                                    

Chapter 8: Just a kiss

Fayde's P.O.V 

Ang tagal naman niya.

Nandito ako sa flower shop namin, inaabangan ko ang pag-punta dito ni Erenz. Ang sabi kasi diba ni mama kanina pupunta daw dito si Erenz pero bakit hanggang ngayon wala parin siya. Anong oras kaya yon pupunta?

"Excuse me miss? How much is this?" Tanong ng magandang babae.

"550." Nakangiting sagot ko.

Ang ganda naman niya. Muka siyang model. Pero parang medyo pamilyar yung muka niya sakin.

"Give me that one." Turo niya don sa bulaklak.

Kinuha ko yung napili niyang bouquet. Inayos ko muna bago ko binigay sa kanya.

"Here, keep the change." Sabi niya sabay abot ng 1000.

Ang ganda na nga niya ang galante pa.

"Thank you miss." Nakangiting sabi ko. Nagagandahan talaga ako sa kanya, ang ganda pa ng suot niya mukang mamahalin, ang sosyal niyang tingnan. Medyo nakaka-insecure hehe!

Kinuha niya lang yung bulaklak at saka umalis.

Tiningnan ko lang siya maglakad palabas ng shop. Wow ang ganda niya parin kahit nakatalikod.

Pagkatapos bumili ni ateng maganda wala na ulit costumer, mukang matumal ngayon. Ang boring, si mama kasi nasa spa ngayon.

Pupunta kasi dito si Erenz kaya nagprisinta ako na ako nalang magbabantay. Ayaw pa nga ni mama kasi may balat daw ako sa pwet baka malasin daw walang bumili. Mukang maniniwala na nga ako kay mama eh. Pinilit ko lang talaga si mama na ako na lang muna magbabantay, sinulsulan ko pa siya na magpa-spa na lang siya. Nagpapasarap na siya doon ngayon panigurado tapos ako ito pinapatay ng katahimikan dito. Hindi ko naman alam na ganito kaboring dito, tapos hapon na wala pa si Erenz, magsasara na ko wala parin siya.

Uuwi nalang siguro ako mukang di na pupunta dito si Erenz. Baka nalaman niya na ako ang bantay dito sa shop. Kaya hindi siya tumuloy pumunta dito.

Pauwi na sana ako ng maisipan kong daanan si Catt isa sa mga best friend kong baliw. Tutal magkalapit lang naman yung village namin. Gusto ko maghanap ng makaka-usap para naman gumaan yung pakiramdam ko.

Malapit lapit na ako sa bahay nila Catt mga tatlong bahay nalang ang layo ko sa bahay nila. Dahil pagabi na at exclusive itong village nila Catt, konti na lang ang mga dumadaan na sasakyan halos wala na nga e. Hanggang dito ang tahimik parin, ako lang mag-isa ang naglalakad sa kalsada.

The Villain HeroKde žijí příběhy. Začni objevovat