CHAPTER 8 ~ Flirty King ~

179K 3.3K 245
                                    

CHAPTER 8

FREEZALE'S POV

Kasalukuyan kong chinecheck si Gabriel. Katatapos ko lang kay Graciella. Dahil concert na naman ngayon ng Royalty ay kinakailangan ko sila ulit para madaling madetect kung may threat ba sa paligid.

Nang maayos ko na si Gabriel ay ang suot naman nito ang pinagtuusan ko ng pansin. Mukhang feel na feel ni Hera at Athena na siyang namili ng susuotin ng dalawang humanoids na si Gabriel at Graciella. Mukhang a-attend talaga sila ng concert.

"Freezale yoohoo!"

Umalis na si Gabriel at nilingon ko naman ang tumawag sa akin. Kasalukuyang tumatakbo palapit sa akin ang naka robe na si King. Kasunod niya ang manager nila na si Leila na mukhang malapit ng mag expire ang pasensya.

"Lady-"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil bigla ko na lang siyang hinila sa kwelyo pabalik sa dressing room nila.

"Watch the throat, lady!"

Tinignan ko ng masama si King at pagkatapos ay binitawan ko siya. Hindi na niya nagawang makalayo dahil tenga naman niya ngayon ang hinila ko. "Aw aw aw!"

"May kiliti ako diyan! Aw! Wag diyan!" pagkanta ni kuya Thunder ng makapasok kami sa loob ng dressing room at sigaw parin ng sigaw si King.

Binitiwan ko na si King at itinulak ko siya sa isang upuan na nasa harapan ng salamin. "Ayusin mo yang mukha mo at mukha kang pinagtripan ng mga preso."

Ngumuso si King. "Masyado mo naman akong inaapi Freezale- AHH!"

Pinanood ko na lamang ang binata habang nanunulis ang nguso na inaayos ang kumalat na na eye liner sa isa niyang mata. "Yong isa naman mukhang hindi pa niya nalalagyan kaya mukha talaga siyang may black eye.

Nang hindi na niya magawang isalba ang eyeliner niya ay nagpapaawang humarap siya sa akin. Kung hindi ko lang praktisado ang pagtatago ko ng emosyon ay baka tinawanan ko na siya. Hindi ko na siguro kailangan gawin iyon ngayon dahil parang malalaglag na ang panga ng kuya Thunder ko sa kakatawa dahil sa itsura ni King.

Nakasimangot na nilingon siya ni King. "Hindi na kita mahal, Thunder!"

Nakangising lumapit si kuya kay King at biglang kumandong. Ipinalibot niya ang mga braso niya sa balikat ni King. "Joke lang dear. Alam mo naman na mahal kita eh. Ang cute cute mo kasi. Pakiss nga!"

Parang gusto kong tusukin ang mga mata ko sa ginagawa nila. Mukhang sanay na sa kanilang dalawa ang iba pang band members dahil hindi naman sila pinapansin ng mga iyon at nagpatuloy lang sa ginagawa nila.

"Umalis ka na nga diyan Kuya." naiiritang sabi ko.

"Bakit? Selos ka?"

Binigyan ko ng masamang tingin si kuya Thunder. Hinila ko siya paalis kay King at pagkatapos ay kumuha ako ng baby wipes sa cross bag ko.

"Selos ka lady? You want dear King to give you some love? Come to papa!"

Idinuldol ko ang nakuha kong wipes sa mukha niya. "Love? Kung kakatok lang iyan sa pintuan ko, pagsasarhan ko siya at ibibigay ko ang address mo."

Binura ko ang nagkalat niyang eyeliner. Hinawakan ko siya sa baba para hindi siya maglikot. I can't help but admire his eyes. It's beautiful...so light. Sa unang tingin parang makikita mo na ang lahat sa kaibuturan niya. But if you look closely, you'll see that a part of him is missing. Like he burried it deep inside him that it's impossible for anyone to see it. Not without him letting a person in.

Sa unang kilala mo kay King ang makikita mo lamang ay kung ano ang nais niyang ipakita. But for someone like me...someone who see rather than feel, someone who can just understand but refuse to say anything...King is so much more.

BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon