⚽️Chapter 25: Drifting

8K 127 25
                                    

Chapter 25: Drifting

Ivo's POV

Nasisilaw ako kahit nakapikit pa rin ako, ang init ng sikat ng araw na dumadampi sa balat ko. Siguro mga 8 na ng umaga. Ayoko pang bumangon, mga 2am na yata ko nakatulog. Napuyat na'ko kakaisip kay Nom, hindi ko pa rin makalimutan yung lapit ng muka ko sa muka niya. Holy crap, ayoko pang bumangon.

Bumaling ako ng pagkakahiga pakanan. Ano ba 'tong nahahawakan ko? Pinisil ko habang nakapikit. Something soft? Something round? Something two? Sh*t !


Brianna's POV

Nung huling gabing nakausap ko si Lydon sa pad nya, ang alam ko a-attend sya ng Silver Anniversary ng Collins Corp. Dahil injured ang arm ko after ng catfight sa soccer field, hinayaan na lang muna ako ni Lydon na mag-rest sa pad niya. Wala akong idea kung meron ba siya at ng gang niya na sasalakayin.

At ang ipinagtataka ko, highschool pa lang kami sanay na sanay na siyang magpalipad ng chopper pero bakit nangyari ang aksidenteng yun? First class private chopper ang gamit niya. Naniniwala akong may ibang tao pa ang nasa likod nito.

Maaga pa lang pumunta ko sa headquarters ng Scorpius. Malaki ang gusaling yun na 2-storey at may pagkamodern ang interior at exterior. Gusto kong makausap yung leader nila, hindi ko alam ang real name niya basta ang pagkakatanda ko, tinatawag syang "Colossus".

Siya lamang makakasagot sa tanong ko kung anong kinalaman ni Nana sa pagbabalik niya sa bansa upang atakihin ang gang na Scorpius. Pero alam ko rin na malabo ko syang makita ng personal dahil bihira lang sya magpakita at kadalasan nakamaskara pa ang mukha.

"Nasaan ang leader nyo? " tanong ko sa matangkad na lalaking pula ang buhok.

"Wala siya dito, ano bang kailangan mo?" Maangas ang mga dating nila. Mga 6-footer na naka-all black silang lima na nakaharang sa dadaanan ko. Mas mataas ang rango nila kesa sa ibang Scorpius, sila yung may mas malakas ang impluwensya sa society, mas kilala, mas kinatatakutan at di mo maitatangging sa tindig at muka, maihahanay mo sa totoong modelo.

"Meron akong mahalagang itatanong sa kanya."

"Hinay-hinay ka lang Vixen. Nasaan na si boss? Ano na'ng lagay nya?" tanong nung lalakeng may pierce sa labi.

"Sandali nga, kasama niyo ba sya kagabi?" tanong ko.

"Hindi kami ang kasama niya. 5 sa aming gang ang kasama ni Boss Lydon na hanggang ngayon hindi pa nakakabalik. Walang sumasagot sa mga tawag namin. Wala kaming idea kung san sila sumalakay ng gabing yun."

"Hanggang sa nabalitaan na lang namin na chopper nya ang bumagsak along Eastwood."sabi ng lalakeng may scar sa pisngi pero hindi pa rin nakabawas sa kakisigan nya.

May kasama si Lydon sa Collins Corp? Wala pa rin yung limang yun at aksidenteng napabagsak ang chopper nya? Sino ang may kagagawan nun? Hindi kaya si Nana?

"Lydon is in coma now. I need to talk to your leader dahil sya lang makakasagot sa lahat ng tanong naten, okay?!"

"Ihatid niyo siya." .

Inihatid ako ng 3 nilang nagtatangkarang gang members sa isa pang silid. Hindi ko talaga alam kung bakit sa mala-modelo nilang muka at pangangatawan bakit gustong gusto nilang mkaainvolve sa gang nato.

Iniharap nila ako sa isang 220" LCD screen. Nag-pop up yung window at figure ng isang lalakeng nakaitim na suit ang nakita ko. Hindi nakatutok ang camera sa muka nya. May snake tattoo sya sa leeg. Naka-upo lang sya sa isang swivel chair. Mula leeg hanggang half-body lang ang nakikita ko at ang mga kamay nyang nakapatong sa clear glass table.

HuntressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon