Chapter 22: Forlorn Madness

8.2K 134 36
                                    

Chapter 22: Forlorn Madness

IVO'S POV

Dumungaw ako sa labas ng basag na glass window. Sigurado akong nandun lang si Nana. Doon siya malamang nahulog sa pool na yun.

I picked up her pair of stiletto. Malamang nandun pa rin siya. Bumaba ako sa napakalaking carpeted staircase nang nakasalubong ko siya na tumatakbo pataas ng hagdan. Nakapaa lang siya, basa ang buhok at gown  at hawak ang kanyang kanang balikat na may kaunting bahid ng dugo. Ang mga mata niya.

Sinalubong ko si Nana. Dali-dali akong bumaba at hinawakan ko magkabilang braso niya.

"Nom, anong nangyari?"

Umiiling lang siya at umiiyak. Namumula ang mga mata niya.

"Ano? Magsalita ka?!"

Ngayon ko lang siya nakitang umiiyak. At alam ko pag nangyari yun, mabigat ang dinadala niya. Hindi ko pala kayang makita siyang nagkakaganito.

"Ilayo mo na'ko dito!" Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Hindi ko na alam gagawin ko. Mapapatay ko talaga yung Lydon na yun.

"Umalis na tayo dito, Ivo." Hindi siya makatingin sa mga mata ko, patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Ngayon ko lang nakita ang side niyang ganito. Isang mahinang queen ng gang. Anong ginawa niya kay Nana? Hawak ko pa rin ang magkabila niyang braso. Hindi ko maintindihan itong sobrang galit na nararamdaman ko na parang sasabog na. Sinaktan niya si Nana, hindi ko talaga palalampasin yun.

"Sabihin mo sa'kin, nasaan si Lydon! Anong  ginawa niya sa'yo?!" sigaw ko. Paulit-ulit siyang umiiling.

"Tumakas na siya! Ilayo mo na ako dito! Nakikiusap ako, Ivo." Yumakap siya ng mahigpit sa'kin na parang isang batang takot na takot. Umiiyak pa rin siya at pati ako nahihirapan sa pag-iyak niya.

Sh*t! Wala akong nagawa. Hindi ko siya nagawang protektahan. Hindi ko nagawang protektahan ang babaeng mahalaga sa'kin. Hinagod ko yung likod niya para kumalma siya.

"Nom. Tama na. Tumahan ka na.  Iuuwi na kita."bulong ko sa kanya. Ang init ng katawan niya at parang magkakasakit pa.

We remained standing for few seconds locking her in my arms. Hinintay ko rin yung araw na mahahagkan ko ng ganito ang babaeng gusto ko. Gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko.

"Iuwi mo na ko, Ivo." Kumalas na siya ng pagkakayakap sa'kin. Pinunasan niya yung mga pisngi nya.

"You okay?"

Tumango lang sya. Hinubad ko yung coat ko at ipinatong sa braso nya. Mainit ang katawan niya at medyo moist yung dress niya, natuyo na siguro mula sa pagkahulog niya sa pool. May sugat ang kanang braso at balikat niya. Ibang-ibang Nana talaga ang nasa harap ko ngayon. Hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko ngayon.

"Hindi ka pwedeng lumabas ng ganyan ang itsura mo. Umupo ka staircase." Utos ko.

"Why?" She asked and sat in the staircase. I went on my knees two steps downward looking at her confused face.

"You're too overrated to be Cinderella. Wear these."

I smiled to her to change the sad mood. Dala ko yung pair ng stiletto niya na naiwan sa suite. She smiled. I made her smile, sa simpleng ngiti niyang yun kahit papaano gumaan din kalooban ko. Isinuot ko sa mga paa niya yung isang pares ng stiletto.

Pinagmamasdan niya ko sa ginagawa ko. Then she patted my head. What's wrong? Iniangat ko ang ulo ko at napatingin ako sa kanya.

"Why?"I said. She stared in my eyes. Umiling sya and smiled.

HuntressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon