Chapter 47: Those Eyes

1.3K 34 4
                                    

BRIANNA'S POV

Pagkaalis na pagkaalis ko sa mansion, dumeretso na agad ako sa G.A Hotel. Sa di malamang dahilan, bigla akong nakaramdam ng hilo at pagsakit ng tiyan ko bago pa man ako makababa ng kotse. Urgh. I tightened my grip on the steering wheel on my left hand while the right side was clutching my stomach. Shit ngayon pa sumumpong.

Narinig ko ang mahinang pagkatok ng valet guy sa bintana ko. I composed myself at kinuha ang bag ko. As I stepped out of the car, I immediately gave him the key.

"Brianna Hermosa." Ang sabi ko dito.

"Yes, Ma'am."

Pumasok na ako agad sa hotel at tumungo sa may elevator. Inside, nagtitinginan sa akin ang mga kasabay kong mga empleyado siguro dito, pero hinayaan ko nalang. Hindi ko alam kung ako lang ba, o talaga mainit dito sa loob ng elevator. Sa sobrang init parang kinukulangan ako ng hininga.

"Uhm miss, diba ikaw si Brianna yung may-ari ng Mishel Harts?" Tanong nung isang babae at yung ibang mga kasama naman niya ay pangiti-ngiti lang.

Hindi ko siya sinagot at ngumiti lang ng tipid dahil nga masama ang pakiramdam ko. Sakto naman na nasa may 4th floor na kami kung saan ako bababa. But just before I could step out, narinig ko ang mga bulungan nila. "Maganda nga, sobrang sungit naman. Akala mo kung sino. "

Tss. I just rolled my eyes and went through my way to the hall kung saan ang production. Nasa may entrance pa lang ako eh naririnig ko na ang sigaw ng nagco-coordinate ng program. Pagkapasok ko, madaming tao ang bumungad sa akin. Ah, rehearsal pala ngayon kaya pati mga models ay nandito.

I looked around the area and was satisfied with the place. Just what you'd expect in a high class hotel.

"Next batch, get ready! Move, move!" Sigaw nung coordinator habang pumapalakpak. "Ayusin niyo ang rampa niyo. Brenda doon ka sa gilid ng stage, sabayan mo si Luke. There, very good. Now walk."

Pinapanuod ko lang sila at hindi ko maiwasang mapansin na ang naglalakad ngayon sa stage ay ang former batchmate ko na si Luke na kaibigan ni Jayvee - that basketball dude na kinababaliwan ni Mikee hanggang ngayon. Didn't expect na he would become a model.

"Brianna!" Lumingon ako sa tumawag sakin at nakita si Axel na papalapit. "Why didn't you call me so I could've picked you up downstairs."

I looked at him without any emotions. "Well I'm already here so stop bickering."

Nagulat sya sa sagot ko. He immediately put his hands up defensively. "Whoa chill. What's with you?"

I just sighed at nagpunta sa may empty table kung nasaan ang mga papers na kailangan. Sinundan naman niya ako. As I sat on the chair, he asked. "Are you okay?"

Tumango lang ako at tinignan ang mga papel. Ewan ko kapag masama talaga ang pakiramdam ko, sumasama din pati ugali ko. Kung katulad pa din ako dati back in college years, baka normal lang ito. Pero ngayon na medyo may pinagbago na daw ako sabi nila, para akong bipolar kapag nagkakasakit dahil mainitin ang ulo ko.

The Casanova SistersDonde viven las historias. Descúbrelo ahora