Chapter 31: No One Touches Her Or Else...

2K 32 8
                                    

Chapter 31: No One Touches Her Or Else...

PLACE: Annie's House

WHEN: Nung tumawag si Andrew kay Bryan


BRYAN'S POV



Nandito ako ngayon sa bahay ni girlpren at naglalaro ng playstation mag-isa. Nandun kasi sya sa kusina at nagbe-bake ng cupcakes dahil gusto daw nya mag-experiment at i-practice ang natutunan nya sa school. Haha.

"Ahhhhh!!" Bigla ako may narinig na sigaw kaya napatayo agad at tumakbo papuntang kusina.

"Ano nangyare?! Okay ka lang?!"

Nung tumingin sya sa akin, umiiyak sya. As in meron talagang luha!

"B-Boypren.. s-su-sunog oh.. uwaaah!" Umiiyak sya habang tinuturo yung tray ng cupcakes na puro itim dahil nasunog. "Nasa tamang time naman yung oven eh! Binantayan ko pa nga sya halos hindi na ako kumurap.. pero bakit ganyan, black pa din! Huhuhu!"

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. "Baka naman nakatodo ang temperature?"

Magsasalita pa sana sya pero biglang nag-ring ang phone ko. Nung makita ko ang pangalan ni Andrew na nagfa-flash, nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba. Galit pa ako sa kanya diba? 

Nung makita ni Annie na nagdadalawang isip akong sagutin, agad syang lumapit at sinilip ang phone ko.  "What are you doing? Sagutin mo bilis!" Mabilis nyang ini-slide to answer yung call kaya wala na akong nagawa kundi sagutin ang tawag.

Pagkatapos namin mag-usap ni Andrew, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. 

"Boypren? Okay ka lang? May problema ba??"

Si Ondrea? Wala na si Ondrea.. 

***

PLACE: Los Angeles, California

 ANDREW'S POV

Gabi na dito sa L.A nung mahanap ko kung saan naninirahan si Ondrea. Ngayon nandito ako sa harap ng isang unit. I pressed the doorbell at ang nagbukas ay yung babaeng gustong-gusto ko nang makita.

As expected nagulat sya na nandito ako. "A-Andrew?! Anong ginagawa mo dito?!"

"Humingi ng tulong si Brianna para ipahanap ka."

Nung narinig nya na binanggit ko ang pangalan ni Brianna, biglang nagbago ang expression nya from gulat, naging galit. "Kung nandito ka lang dahil dyan, umuwi ka na at sabihin mo sa kanya na wala akong planong umuwi."

Isasara na sana nya ang pinto pero pinigilan ko ito. "Hep. Hindi mo man lang ba ako papapasukin? Gabi na oh.. tapos ang haba pa ng binyahe ko."

The Casanova SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon