Special Chapter: What's going on in LA

1.8K 25 3
                                    

(a/n): This will be the last chapter for Ondrea and Andrew at the moment. The timeline of this chapter is kind of in advance. 5 months later sya dito and so, this will be a special chapter kung ano ang nangyari sa kanila after 5 months of leaving the Philippines. :)

Special thanks sa nagsulat!! Tinamad ako eh ahahaha XD

 ------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Andrew’s POV

Nakatayo ako ngayon sa harap ng altar habang hinihintay ko ang paglapit ng mahal ko at makakasama ko habang buhay -_- yuck ang korny… habang papalapit siya nang papalapit sakin, alam ko sa sarili ko na siya ang makakasama ko habang buhay... alam ko sa sarili ko na napipilitan lang siya na pakasalan ako pero gagawin ko lahat para lang mahalin niya rin ako \m/

Natapos ang wedding rites naming dalawa at tinaas ko na yung veil niya pero bakit ganun? Parang hindi maipinta ang mukha nya. I bent down para halikan ko na sana siya pero sumigaw siya ng “Soon to be soon to be gising na!!” …. Weird….

“Soon to be… soon to be! gising na!!”  Sigaw pa din sya nang sigaw.

“hmmm maaga pa dito ka muna sa tabi ko” sabay nag-pout ako

“ang perv mo! Dyan ka na nga!” bigla akong nalalaglag sa kama ko. Sakit nun ah.

SOOOOOOOO PANAGINIP ko lang yun lahat???? Aaah sh*t kailangan ko magsorry kay soon to be ko…

Agad akong nag-ayos at lumabas sa kwarto ko para mag-sorry kay Ondrea. Kakaiba na kaya siya ngayon.. hindi na siya katulad ng dati na medyo may pagka-isip bata… nag-mature na siya ng slight…

Sa 5 months na kami dito.. 5 months na since umalis kami ng Pilipinas at 5 months narin akong nagtitiis sa kasungitan niya… pero minsan bumabalik yung pagiging jolly niya.. kaya lang siya nagiging masungit kasi alam niyo na, pag napag-uusapan namin yung about sa pinas tska pag my visitor si Drea -_- madami na kong alam about kay Drea soon to be ko…

Minsan nakikita ko siyang tulala tapos tinitignan niya yung pictures nilang tatlo nina Joan and Mikee. For sure miss niya na yung dalawang yun… alam ko din miss niya na si Brianna sungit hindi niya lang pinapahalata haha

“Soon to beeeeee!  nasaan ka na?” tawag ko sakanya kasi wala siya sa sala. Madalas kasi paggising ko nakikita ko siya sa sala nanonood ng cartoons…

“I’m hereeeee~ at the kitchen!” himala anong ginagawa niya sa kusina? Nasaniban ata ang soon to be ko at nagpunta sa kusina.

Nakita ko nalang si Ondrea na may hawak na sandok at may nakalagay na apron sa katawan. Napangiti nalang ako at dali-dali ko siyang pinuntahan tska niyakap mula sa likod.

“Ayy ano ba yan soon to be. Can’t you see that I’m cooking?”

ayieee anu kaya nakain nito at nagluto to?

“Hmmm ang bango naman nyan. Excited na ko matikman yan.”

Umalis na ako sa yakap sa kanya at habang nagluluto sya, inaayos ko naman yung dining table para makaka-kain na mamaya :)

Habang kumakain kami hindi mapakali si Ondrea sa upuan niya. Parang may gusto siyang sabihin sakin

“Soon to be, may gusto ka bang sabihin sakin?” nag-aalala kasi ako baka mamaya may masakit na pala sakanya hindi man lang nagsasalita diba?

“Ah meron nga sana…”  sabi sainyo my problema yan eh.. kilalang kilala ko na yan eh

“Ano ba yun? sabihin mo na.” Sabi ko habang sumusubo ng niluto niya. Ang sarap sarap talaga. Pasado na siya para maging nanay ng sampu kong anak sakanya hahaha XD

The Casanova SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon