Chapter 36.2

1.8K 24 9
                                    

BRIANNA'S POV

Pagkaaalis ni Mr. Han, tumawag naman sya agad dun sa home phone. He told me na nakalimutan nyang sabihin kanina na kailangan ko daw pumunta sa SAHU to get my last grade records kay Auntie dahil requirement yun sa papasukan ko. Psh.. Ang dami pang alam ng school na yun eh isa lamang naman syang semi-public school.

I still can't believe na mag-aaral ako dun. Pero kung hindi ko naman susundin si Daddy, forever na akong magiging mahirap. Damn! So ang meaning lang naman nito ay kailangan kong magpaka-good girl at gagawin lahat ng gusto nila.

I breathed in heavily. It’s okay Brianna.. you can still get what you want. You’re still Brianna Maddison Hermosa, the bitchiest girl of all the bitches in SAHU. Kahit lumipat ka ng school, kakatakutan at sasambahin ka pa din nila.

///

DAY 20

PLACE: South Apex High University

TIME: 3:00 pm

 

Pagkababa ko ng kotse,  nasaakin ulit ang mga mata nila. Kailan nga ba mawawala diba? Pero nakakapangit lang sa perfect feature ko ang band-aid sa may left cheek ko.. -__-

“Narinig nyo ba ang balita na lilipat na daw sa R.C si Brianna?”

 

“Oo nga! Pinaparusahan daw kasi sya ngayon ng Daddy nya.”

 

“My gosh.. good thing my dad is so mabait.”

 

“Haha! Buti nga sa kanya.. mawawala na din ang Casanova Sisters dito..”

 

Hindi ko na pinansin ang mga bubuyog at nagpatuloy lang maglakad papuntang office ni Auntie.

When I got there, I didn’t bother to knock. I just burst into the room; quite surprised by what I saw inside.

“What is happening here?”

Nakita ko lang naman kasi ang boyfriend kuno ko na sobrang lapit kay Auntie na parang may di kanais-nais na ginagawa. They were both sitting with the messy books on the floor.

Nagulat naman sila nung makita nila ako and they immediately stood up.

 


“Cheating huh? And worse with my auntie?” I spat with disgust.

“Nagkakamali ka. Tinutulungan ko lang si Mrs Dela Cruz dahil nahulog ang mga dala nya.” Pagpapaliwanag ni Jayvee. At grabe lang ang isang toh dahil kahit nahuli ko na nga sila, ang cool and kalma pa din ng mukha nya.

The Casanova SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon