Chapter 32: Madwoman!

2K 26 4
                                    

Chapter 32: Madwoman!

BRIANNA'S POV

Pagkatapos sabihin sa harap ng lahat na girlfriend nga ako ni Jayvee, bigla nya akong hinalikan sa cheek at nagpaalam na aalis na daw sya for his next class. Yung mga nakikipagchismisan syempre inggit na inggit. May mga OA pa nga na nag-iyakan dahil may official girlfriend na daw si Jayvee.. at sa dinami-dami pa ng mga babae sa mundo, eh ako pa.. kaya sila namomroblema ng ganyan ay dahil alam nilang wala silang laban sakin.

"Hahahaha! Oh my God! Shet!"

"That was freakin' hilarious! Hahaha!"

Etong dalawang babae na to na wala nung mga kailangan ko sila (it's not that I really needed their help. Parang moral support lang kumbaga), pero ngayon lang magpapakita. Nandun lang pala sila sa gilid at nanunuod.

"Yung mukha nung mag-pinsan, nakakatawa! As in!" Tawa nang tawa si Joan.

"Tapos nung dumating pa si knight in shining armor-slash-prince Jayvee! Ayiiiiee! Kakilig!!" Tapos from kakatawa naman, tili nang tili si Mikee sa kilig.

I just rolled my eyes. Pero bago yan, I really have to eat.. 2pm na pala at hindi pa ako kumakain ng breakfast and lunch. "Let's go to cafeteria."

"Huh? Eh kararating lang namin dun ah." 

I glared daggers at them. "You coming or not?"

"Tara na nga sa cafeteria! Parang nagugutom pa ako eh.." Biglang hinila ni Mikee si Joan at nauna nang maglakad sa akin. Susunod din pala eh.

Hindi ako pumasok hanggang last period.. so basically pagala-gala ako sa school pero no attendance, dahil kapag nagka-klase na, tumatambay ako kung saan-saan na walang tao para hindi makita. Now, I'm here sa secret garden.. naka-upo habang pinaglalaruan ang phone ko. Nakakasawa na sya in fairness. I'll buy another one bukas.. Magpapalit na din ako ng number para wala ng mangungulit sakin.

Tinignan ko ang name ni Jayvee sa contacts ko. Looney-Brained Mushroom pa din ang nakalagay. Ayoko palitan name nya.. pero kapag nakita nya to magaalburoto yun haha. Nag-type ako.. yan, pwede na siguro.  

Mushroom Babe <3 

Yuck, with love heart pa talaga. Nagaya na ako kay Ond-- Nvm! -__-

Huminga nalang ako ng malalim at sumandal sa may puno. Ang tahimik.. wala nang madaldal. 3 days na simula nung umalis sya. Tss. Paki ko ba? Sya naman may kasalanan diba?!  Napaka-OA, palabas labas pa ng bansa.. pwede naman na sa Palawan or Boracay nalang sya! -__-

"Hoy anong binubulong-bulong mo dyan?" Biglang dumating si Mikee at umupo sa bench na katabi ko.

"Nothing. Why are you here?"

"Cutting!" She grinned. "Yung prof ko sa English lumabas tapos ang tagal bumalik.. nakikipaglandian ata sa phone nya.. kaya lumabas nalang ako."

"Are you stupid? How can he flirt with a phone? It's not as if it can talk."

Napatapal naman yung palad nya sa noo nya. "Omg Bri! Kailan ka pa naging slow? Nagmana ka na ata kay Drea!" 

By that, natahimik kaming dalawa. Then narinig ko nalang syang humihikbi.

"I miss her na!" She said, crying.

Umiwas nalang ako ng tingin. Hinayaan ko nalang syang umiyak at hindi na nagsalita. Ano naman kasing sasabihin ko diba? I don't know how to comfort people.

The Casanova SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon