Chapter 8 - Sir Dick POV (Part 2)

209 35 10
                                    

Nung mahismasmasan ako bigla akong nag drive papuntang NAIA Terminal at mag baka sakali na maabutan ko pa siya. Binilisan ko ang pag mamaneho na para akong wala sa sarili, muntikan pa nga akong makabangga ng isang sasakyan buti nalang na preno ko agad. Gulong gulo ang isip ko kung anu ang nang yayari ngayon, bakit hindi ko alam to, kagabi lang mag kasama kami at sabay na nuod ng cine wala naman akong nakitang sign na aalis na pala siya. Bakit ganun hindi nya ako sinabihan at ganun nalang ba kadali sa kanya na iwanan ako? Five years na kaming may magandang relasyon pero bakit? ang gulo gulo talaga ng ng yayari ngayon. 

Habang nag da drive ako hindi ko maiwasang isipin na ibangga nalang ang sinasakyan ko. Dumating ako sa airport nililingon ko bawat paligid nag babaka sakali na hindi pa nakakapasok ng airport si trixi,  hindi ko siya makita at tanging kotse nya lang sa labas ang nakita ko. Nilapitan ko ito para malaman kung may tao sa loob, pero wala akong naabutan. Pumasok ako sa entrance ng airport dahil baka makita ko pa siya duon. Napaka dami ng tao sa airport kahit anung lingon ko nawawalan ako ng pag asang makita si trixie. Bigla akong napatingin sa gawing unahan ng entrance ng airport at nakita ko si trixie kasama ang mommy niya habang nag lalakad papuntang waiting area ng sasakyan niyang eroplano. Naglakad ako ng mabilis para makita siya at tawagin siya pero biglang may mga taong dumaan sa may nilalakaran ko at tuluyang nawala sa paningin ko si trixie, napaluhod nalang ako sa sahig habang pinupunasan ang pawis ko. 

Bakit ganun? sobrang gulo ng isipan ko, isa nalang ang paraan para malaman ko ang totoo. Hinantay ko ang mommy ni trixie na lumabas ng airport nandun lang ako nakatayo sa harap ng kotse nila. makalipas ang 30mins natanaw ko na ang mommy ni trixie, nakita ko naman siyang nakita ako pero umiiwas siya ng tingin sa akin.

'Tita? bakit hindi ko po alam to? anung ng yayari naguguluhan ako'

'Umalis na si trixie sa abroad na siya mag ta trabaho, kinuha siya ng kaibigan ng daddy niya'.

Kitang kita ko sa kilos ng mommy ni trixie ang pag mamadali sumakay agad ito ng sasakyan.

'Tita bakit ganun? hindi niya manlang sinabi sakin at ngayon pa alam niya namang may special kaming pinag cecelebrate ngayon'. malungkot kong pahayag habang naka dungaw sa bintana ng kotse.

'Dick mabilis ang pang yayari kahit ako hindi ko alam ito nagulat lang ako dahil ang daddy niya pala ang kausap niya about dito, sige maiwan na kita saka nalang tayo mag usap'

Sinarado na ng mommy ni trixie ang bintana ng kotse, napabitiw nalang ako sa pag kakahawak sa kotse nung umandar na ito.

Bigla akong napasandal sa isang poste at napa upo nalang at humagulgol ng iyak, wala akong pake kung anung sasabihin ng mga taong makakakita sakin pero ang masakit para sakin na bigla nalang akong iwanan ng taong pinaka mamahal ko. Tumayo ako at pinag susuntok ko ang pader, nag dugo ang kamay ko sa sobrang lakas ng mga suntok ko. Gigil na gigil ako dahil sobrang gulong gulo ang isipan ko bakit ganun ang weird ng mga pang yayari ngayon, sana panaginip nalang lahat ito. Napapa ngisi ako ng mapakla kapag naaalala ko ang sinabi ng mommy ni trixie na mag tatrabaho siya sa ibang bansa, sumasagi sa isip ko na masaya si trixie sa trabaho nya at lahat kasundo niya. Sinabi rin niya sakin nuon na wala siyang balak na umalis sa company kahit may mag offer pa sa kanya ng mas malaking sahod, kaya bakit nalang ganun kabilis ang naging desisyon nyang mag trabaho sa ibang bansa.

Nahirapan akong mag maneho dahil sa sakit ng kamay ko. Pag kauwi ko sa bahay tulala ako at hindi ako kumain ng tanghalian nag kulong lang ako sa kwarto magdamag nilagyan ko rin ng gamot at benda ang kamay ko para maibsan ang kirot nito. Habang kinukuha ko ang cellphone ko sa drawer nakita ko ang susi ng locker ni trixie hinawakan ko ito at pinag masdan, para akong tanga na tinitignan yung susi nya napapangisi nalang ako habang tinitignan ito. Hindi rin mabaling ang tingin ko sa cellphone ko para alamin kung nag text naba si trixie. Sinubukan kong buksan ang FB niya at nag baka sakali na makakita ng impormasyon sa pag alis nya pero nagulat ako dahil hindi ko na ma open ang FB niya iba na ang password nito. Nag dududa na talaga ako kung anung ng yayari sa relasyon namin ni trixie, pumapatak nalang ng hindi ko nalalaman ang luha ko sa aking mga mata.

Wattpad ng Ambisyosang MagandaWhere stories live. Discover now