Chapter 1 - Apply Day 1 (Part 1)

765 74 44
                                    

Dear wattpad,

Hay nako laos na yang diary since uso naman ang computer sayo ko nalang ikukuwento ang araw araw kong buhay wattpad!  makinig ka ha? ay nyeta how I wish mapakinggan mo ko anyways handa akong isulat este i type lahat ng mga katangahang nang yayari sakin sa araw araw, eto na nga sisimulan ko na atat kana wattpad? eto na nga diba? Emeyged ganito kasi yon.

Nakakabadtrip si mudra ang aga aga nagising ako sa bunganga nyang napakalakas na mas malakas pa sa sirena ng bombero akala mo may nasusunog Emeyged sa gulat ko napa PUNYETE ako kay MU DRA syempre echos lang yon mumurahin ko bayang pinakamamahal kong ina kaw nemen wattpad hindi ka mabiro, well back sa storya edi yun nga nagising ako aba kaya pala kanina pa sigaw ng sigaw si mudra mag aalas otso na daw hindi pa ko bumabangon eh mag aaply daw ako. 'Emeyged oo nga pala kaya pala kulang nalang ihagis ni mudra yung ref sakin para magising lang, ay nakalimutan ko wala nga pala kaming ref! 'ambisyosang to?!' wag kang epal wattpad kasama sa pag tanda yan ang mag ambisyon kita mo nga ikaw dati hindi ka sikat pero ngayon wow mas sikat kapa sa araw akalain mo pati ako napagawa mo ng storya dito.

Pero donchaworry dahil kaya nga ako mag tatrabaho para mabigyan ng magandang buhay si mudra kahit na talakera siya.. Napatingin ako sa orasan bigla tumaas ang kilay ko Emeyged alas sais palang maka alas otso tong si mudra wagas eh ang alis ko alas nuebe pa!

'Muds kelan pa napaltan ng alas otso ang ala sais hindi mo manlang ako ininform? pag mamataray ko kay mudra' sabay sambit nya

'ay letse ka napaka sagal mo pa naman kumilos kung maligo ka isang oras wala naman tayong swimming pool sa banyo pero tumatagal ka ng ganung ka tagal'

aba pati pag ligo ko pinakielaman na ni mudra kung pektusan ko kaya panga nito chos.

'ano di kapa ba kikilos?' galit na sabi ni mudra.

Hay piste mas atat pa siya sakin mag apply siya nalang kaya papuntahin ko dun, syempre wala akong magagawa ang aga aga ayoko naman makipag talo sa kanya edi kumain agad ako.

Bumaba ako sa hagdan para tignan ang luto ni mudra excited ako bumababa ay Emeyged wala nga pala kaming 2nd floor ambisyosa ko talaga, amoy na amoy ko ang mabangong luto nainihain ni mudra habang papalapit ako sa lamesa unti unting tumutulo ang laway ko na animoy asong ulol. Agad kong kinuha ang lalagyang may takip sa lamesa pag bukas ko

'Emeyged ano to itlog??' inis na inis ako sa sobrang inis ko gusto kong mag super saiyan' biglang lumapit si mudra sakin na nagulat sa sobrang lakas ng bunganga ko.

'ano to mudra? nagbigay ako ng pera pang bili ng almusal natin ha tapos papaulam mo sakin itlog? pag tataray kong sabi...

'PAKKKKK' Emeyged ang lakas ng konyat sakin ni mudra muntikan ng kumalas ang utak ko sa bungo ko.

'Piste ka anung perang binibigay ka jan wala ka ngang trabaho isang taon kanang naka nga nga dito sa bahay' galit na giit ni mudra..

'may trabaho ako mudra TL ako hindi mo ba alam?' pag mamalaki ko kay mudra.

'anong TL? Team Leader? kelan pa aber?!'..

'matagal na, ikaw na nga nag sabi kanina diba? shunga lang? Tambay Lang malamang'..nakita kong naka amba nananaman ang matchong braso ni mudra na tila nag gygym araw araw.

'kumain kana nga jan baka maihampas ko pa tong rice cooker sa mukha mo!'

bigla akong natawa kay mudra akalain mo pati siya nag aambisyon wala kaya kaming rice cooker, rice meron na cooked.

Wattpad ng Ambisyosang MagandaWhere stories live. Discover now