Chapter 5 - Shopping Shopping Day 5 (Part 2)

339 44 10
                                    

3:30 ng makababa ako ng MRT, sinundan pala ako ng bruha kong classmate at nakipag kuwentuhan sa akin..

'Saan ka pupunta Farrah?'..naka ngiti nyang sabi..

'Edi sa puso mo'..sabi ko sa kanya sabay ngiti ko rin..

'Hay nako hindi ka parin nag bago na paka pilosopo mo pa rin, buti nalang maganda ka'..sabay siko nya sa tagiliran ko..

'Ene kebe nekekehiye nemen weg me peg segewen, medye leng'..sabay yuko ko ng patagilid at hawi ko ng buhok ko sa kaliwa kong tenga..

'Pupunta kasi ako ng MOA i me meet ko si ninong Henry Sy'..sabi ko habang kinukuha ko ang lipstick sa bag ko..

'Mukha mo farrah ambisyosa ka talaga'..sabay tulak nya sakin.

Muntikan na nga akong mahulog sa riles ng tren sa pag kakatulak nya buti nalang nakahawak ako sa buhok nya at hindi ako nahulog..

'Mukha ko ba? oo alam ko maganda ako, alam mo naman palang ambisyosa ako dati pa naniniwala ka agad lokaret' sabi ko habang nag lilipstick..

'May salamin kaba jan gurl, hindi ko kasi makita yung part ng maganda kong lips na nilalagyan ko ng lipstick eh?'..sabi ko sa classmate ko..

'Wala eh nakalimutan ko dalhin'..

'Keribels na nga to okey lng expert nanaman ako sa pag ma make up sa sarili ko'.

Nag paalam yung classmate ko na mag CCR muna siya at hantayin ko daw siya, pero iniwan ko rin ang bruha ayoko ngang maghantay tyaka hindi naman kami ganun ka close itsura niya. 

Nag madali akong pumila para makalabas na agad at hindi na ko makita nung classmate ko. Go lang ako sa pag lilipstick habang nag hahantay ng turn ko na makalabas sa MRT. Emeyged ang daming bumabangga sakin sarap ipakain yung lipstick na hawak ko. Pag ka labas ko ng MRT kinuha ko sa bag ko ang shades ko at sinuot, syempre napakainit sa labas kawawa naman ang magaganda kong mata. Bumababa ako ng hagdan papuntang sakayan pa MOA ng napapansin kong pinag titinginan ako ng mga tao, nginingisian at pinag bubulungan pa nila ako. Gandang ganda siguro sila sa beauty ko kaya naman push lang ako sa pag lalakad na parang Asia's Next top Model kung rumampa pababa ng hagdan. Gravity kulang nalang mag hagis sila ng puting panyo sakin at sambahin ang kagandahan ko, puon lang ang peg? chos. 

Naka kita ako ng lalaking nag titinda ng malalaking salamin, kaya naman lumapit ako para tignan ang maganda kong mukha. Nagulat ako sa nakita ko hindi dahil sa napakagandang itsura ko kundi

'Packing tape, EhhMeyyGedd'

lagpas lagpas pala ang lipstick ko kaya siguro pinag titinginan ako ng mga tao kanina, akala ko pa naman sa kagandahan ko sila na papatingin ayun pala sa pisting lipstick sa labi ko. Inalis ko yung lipstick sa bibig ko pero napakalikot nung nag titinda ng salamin, nakasabit lang kasi sa likod nya yung salamin. Paikot ikot yung nag titinda, kaya naman paikot ikot din akong hinahabol yung salamin para matanggal ung lipstick sa lips ko..

'Yung totoo manong hindi kaba pinurga para matanggal yang mga bulate mo sa tyan? ang likot likot mo hindi tuloy ako makapag salamin ng maayos!'..bulyaw ko sa nag titinda habang patuloy na pinupunasan yung mga lagpas na lipstick.

Anywayss move on na mga teh andito na ko sa pinakamalaking mall sa asia. First time kong nakapunta ng MOA at totoo ngang napaka laki nito. Nag tanong ako sa guard kung saan ang Department Store, kasi kung ako ang maghahanap baka abutin ako ng takip silim at masaraduhan ako ng mall.

Wattpad ng Ambisyosang MagandaWhere stories live. Discover now