Chapter 8 - Sir Dick POV (Part 1)

214 33 7
                                    

Ngayon ang isa sa pinaka especial na araw para sa amin ni trixie dahil pang 5th anniversary na namin. Kasabay ng pag unat ko pag ka gising ay ang napakatamis na ngiti sa aking mga labi. Parang kailan lang ng maging mag ka trabaho kami, hindi ko inaasahan na sa pagiging malapit namin sa isat isa nuong bago palang kami sa trabaho ay siyang magiging dahilan ng mas malalim pa naming ugnayan.

Marami rin akong dinaanan para lang makuha ang matamis na oo ni trixie, palagi ko siyang sinasabayan kapag break, sinusundo sa tuwing papasok at higit sa lahat hinahatid papauwi. Ginagawa ko lahat ito para lang sa pag mamahal ko sa kanya. Dumating pa nga ang time na kailangan ko na ring harapin ang parents niya para lang malaman niya at ng family niya kung gaano ako ka seryoso sa kanya.

May kaya ang family ni trixie, ang mommy niya ay may mga apartment at ang daddy niya naman ay isang piloto. Maraming ambisyon si trixie sa buhay at napaka dedicated niya sa trabaho. Makalipas ang tatlong buwan ng panunuyo ko sa kanya nakamtan ko rin ang matamis niyang OO. Ako na ata ang pinaka masayang lalaki sa balat ng lupa nung marinig ko ang sagot na yun. Hindi maipinta sa mga labi ko ang labis na kasiyahan at naalala ko pa nga nung pag ka sabing pag kasabi niya nun, binuhat ko siya at niyakap ng mahigpit at hinalikan ang kanyang labi.

Mas tumibay ang relasyon namin ni trixie nung naging kami, pero kahit na may commitment kami sa isat isa pinangako namin na pag huhusayan namin parehas ang aming trabaho. Kaya naman kasabay nang first year anniversary namin ay ang napakalaking regalo na natanggap namin. Na promote kaming parehas para maging Team Leaders ng mag kaibang account. Medyo na haluan ng kalungkutan ang good news na natanggap namin dahil hindi na rin kami mag kakasama sa iisang team.

Hindi rin naging hadlang ang pag kakaroon namin ng mag ka ibang teams, dahil palagi parin kaming mag kasabay na mag break. Parehas din kaming night shift ni trixie kaya naman masaya parin kami kahit papaano na mag kasabay ang schedule namin. Kagaya dati sinusundo at hinahatid ko pa rin siya at tuwing sabado ng umaga pag kauwi ay sabay kaming nag jo jogging at nag bre breakfast. 

Sa trabaho madalas akong nag yayaya ng outing at salo salo sa bahay, kasama rin si trixie sa mga lakad nayon at kilalang kilala na siya ng mga team members ko dahil hinahatiran niya rin ako minsan ng pag kain para sa break namin. Napaka sarap talagang may minamahal ka hindi mo iniinda ang pagod sa trabaho kapag may inspiration kang nakikita. Alam kong kami na ni trixie at ngayong ikalimang taon namin mag pro propose na ako sa kanya at bubuo kami ng masayang pamilya.

Pag ka gising na pag ka gising ko nag handa agad ako ng breakfast, habang nag luluto pa nga ako ng pan cake kumakanta pa ako kahit sintunado ang boses ko. Nakangiti lang ako habang nag luluto at bakas sa mukha ko ang excitement sa dinner date namin ni trixie mamayang gabi. Gusto kong hilahin na ang mga oras para lang dumilim at ng makasama ko na siya. 

Habang nag nag titimpla ako ng coffee nag ring ang phone ko, agad agad kong kinuha ito at sinagot ang tawag.

'Good morning babe, nag breakfast kana?' nakangiti kong tanong

'Yes babe, nakaligo na rin ako'

Nagtataka ako sa sinabi ni trixie na nakaligo na rin daw siya.

'Oh bakit nakaligo kana agad? aalis kaba?' nag tataka kong tanong

'Oo babe, kaya kita tinawagan kasi may importante akong sasabihin sayo'.

Bigla akong nagtaka lalo, kung anong sasabihin ni babe sakin, bumalik ako sa kitchen para ininum ang kape ko.

Wattpad ng Ambisyosang MagandaOnde as histórias ganham vida. Descobre agora