Chapter 5 - Shopping Shopping Day 5 (Part 1)

361 48 11
                                    

Dear wappy,

Nakakalurking araw na naman ang ng yari sa ambisyosang buhay ng magandang babaeng nag susulat este nag ta type ng buhay nya sa famous website na to. Grabe hiningal ako dun ha, hay buhay sarap mag pakamatay chos. Ang dami nanaman ng yari sa akin ngayong araw, as usual haggard nanaman ang lola nyo pero sulit naman ang araw na ito dahil nakabili na ko ng dalawang dosenang damit este dalawang set ng damit na gagamitin ko sa pag ta trabaho. Pauna palang yan dahil sa susunod bibilin ko na ang buong department store chos I mean dadag dagan ko nalang para naman hindi ako kaawa awa ang suot ko, aba dapat ako ang mag reyna dun sa company at ipag uutos ko na sa tuwing dadaan ako luluhod sila maliban kay Mr. Perfect siya kasi ang luluhuran ko hihi.

Pag kauwi ko kagabi galing comp shop nakatulog agad ako siyempre pumasok muna ako ng bahay, tapos nag linis ng katawan, nag tooth brush, saka sumampa sa kama, nahiga,nag dasal at ayon boomtulog syempre sa mismong condo namin este sa bahay malamang. Ayan detalyado na yan baka naman hindi nyo pa ma gets choss. Madaling araw kanina ng bigla akong nagising sa sobrang init.'Emeyged ang init' iritable kong sabi habang nag uunat ng kamay habang nakahiga.. Iritang irita ako pag gising ko dahil sa sobrang inet putek off din yung aircon este electricfan namin Geshh, tapos buong bahay namin nakapatay lahat ng ilaw, ang ginawa ko bumangon ako dahil na jijingle bells din ako. Pinuntahan ko si mudra sa kwarto niya pero wala siya dun. Nag tataka ako dahil madaling araw palang wala na si mudrabels sa bahay namin eh mamaya pa ang alis niya papuntang bayan para kuhanin yung padalang pera ng tita galing abroad.

'San kaya nag punta si mudrabels' sabi ko habang humihikab at nag kakamot ng kanang mata ko dahil may muta papala eww..Habang papunta akong CR ang tanging naririnig ko ay ang gripo naming tumutulo..Umupo ako sa bowl para umihi, alangan naka tayo sa bowl anu ko lalaki? try ko nga sa susunod naka bending habang nag wiwiwi hihi chos. Ed ayun biglang bumulwak na parang pagsanjan falls ang wiwi ko , sa sobrang dami ng wiwi ko nangayayat na ko.

Narinig kong bumukas yung main door namin, ang toroy diba may main door malamang san kayo papasok sa bahay kung walang main door? may bahay bang puro bintana lahat chos..

'Mudra anjan knba?'

sigaw ko at bigla akong napatayo habang umiihi, nag madali akong lumabas ng CR para puntahan kung si mudra naba yung dumating.. Nagulat ako sa nakita ko sa may malaki naming salamin sa sala,

'Shocks, Emeyged black forest'..

hindi pala ako naka pag panty sa sobrang kakamadali ko. Bumalik ako sa CR, habang papunta ako sa CR para kuhanin yung panty ko, nakakita ako ng mga tulo sa sahig na tila papuntang CR. Yumuko ako para tignan yung tulo ng tubig na nakita ko, ginamit ko ang kanang hintuturo ko para hawakan yung tubig at amuyin.

'Emeyged ang panghe'..

Shocks hindi ko napansin na tumutulo pala ang wiwi ko habang nagmamadali kanina pisteee. Pag ka suot ko ng panty ko at shorts ko pinuntahan ko ang kwarto ni mudra para i check kung siya ba yung pumasok..Ano ba to si mudrabels hindi sumasagot sa tawag ko..

'Mudra nanjan ka nba?' naiirita kong sigaw habang nag lalakad papuntang kwarto niya..

Binuksan ko dahan dahan ang pintuan, nagulat ako sa babaeng nakita ko naka jacket siya na black. Unti unti niyang tinanggal yung hood sa ulunan niya at mas lalo akong nagulat sa nakita ko. Si virginiang laspag na pokpok. Bigla nyang inangat ang kanan nyang kamay na may dalang kutsilyo at sinaksak ako sa ulo. Buti nalang nagising ako at panaginip lang ang lahat.

Wattpad ng Ambisyosang MagandaWhere stories live. Discover now