Chapter 6 - First Day of Work (Part 2)

328 46 9
                                    

'Are you done Ms. Farrah?'..tanong nya sakin..

Patuloy lang ako sa pag punas ng ketchup sa mukha ko at nag lalagay ng foundation sa mukha ko..

'Ms. Farrah? are you done?'..malakas na tanong nya sakin..

Bigla akong napaharap 'Ahh?ehh Yeshh sir, wait lang sir isa nalang'..kinuha ko ang pabango sa bag ko at mag papabago sana ako ng biglang..

'Please don't, i don't like the scent of your perfume'..sabi nya sabay talikod sakin..

'Please follow me'..

'Anung problema ng lalaking to mag papabango lang ako ang arte arte, may nalalaman pang i don't like your perfume (sabay irap) nakuuuu kung hindi kalang cute kaso cute ka eh hihi yaan mo na nga' bulong ko habang naka sunod sa kanya.

Habang nag lalakad ako hindi ko maiwasan ang mapatingin sa mga tao dun sa production. Iniisip ko kung anu anung mga ugali kaya ang meron sila.. May mangilan ngilan na tumitingin sa maganda kong mukha at nag bubulungan pa ang mga hinayupak, meron din naman mga inggeterang babae ang umiirap sakin akala mo naman kagandahan mga mukha namang dragon. Mamatay kayo kagandahan ko, sa isip isip ko. May isa pangang sumipol na witwiwww, keribels lang ang beauty ko at diretso lang ako papuntang kwarto ni Sir Dick este table nya, ang toroy ko noh? i tatable ako ni Sir Dick hihi chos.

Umupo si Sir Dick at nag bati este binati ako

'Good evening Ms. Farrah please be seated'..malamig nyang pag bati sakin..

Syempre papatalo ba naman ako binati nya ko syempre babatiin ko din siya hihi anung klaseng bati kaya gagawin ko sa kanya siyempre dapat yung masarap na pag bati este yung masayang bati, hay naku readers greeny nanaman ang mga utakels nyo.

'Good evening as well sir Dick, hows your dick?'biglang tumingin siya sakin ng naka sambakol ang mukha 'este how are you sir Dick?' naka ngising kong sabi sabay umupo na ko..

Nakikinig lang ako kay sir Dick habang inexplain nya ung mga rules and regulations inside the production. Ang daming bawal grabe, bawal mag cellphone, bawal matulog, bawal mag slouch, bawal kumain, bawal tumingin sa kagandahan ko chos, ang daming bawal diba? kelan kaya ipag babawal ang mag trabaho yung tipong petics ka lang dapat sa loob ng 8hours hihi aba matindi ang saya nun. 10:15pm na pala 15minutes ng nakalipas simula nung mag start ang time ko. Pero okey lang basta walang iistorbo saming dalawa dahil kapag ng yari yon hindi ako mag tatatlong isip na ipatumba sila pero itatayo ko din naman chos.

Tumayo na ang Dick ni sir este tumayo na si sir sa kina uupuan niya at pumunta na kami dun sa production pinakilala niya isa isa sakin ang mga hampas lupang KPOP na mga magiging katrabaho ko, oo tama kayo KPOP kepoponget chos. Siyempre may maganda din naman at walang iba kung hindi ako yun hihi.. Aba may mga babaeng nag mamataray sa maganda kong mukha. Ensecura ata sa beauty ko, balibhasa nung umalan ng kapangitan nasa loob lang ako ng bahay at sinalo nilang lahat. Biglang may mga kalalakihan na nag sigawan,.

'Sir Chicks yan ha ayiehhh dito mo nalang sya itabi sa tabi ko palayasin mo tong c Mark' naka ngising sabi ni Joey'..

'Ulol ka hindi yan itatabi sayo ni sir manyak kakasi'..agad namang banat ni mark..

'Farrah dito ka nalang umupo sa tabi ni patty'..sabi ni sir Dick sakin..

Umupo naman ako sa tabi ng pating este ni patty, ang taba taba naman kasi nitong babaeng to natatakot ako baka bigla nya akong madunggol at tumilapon nalang ako, buti sana kung sa table ni sir Dick ako titilapon eh panu kung sa mga mukhang piranang manyak, ay wag nalang chos. 

Wattpad ng Ambisyosang MagandaWhere stories live. Discover now