And Then I Fell [8]

738 32 1
                                    

Chapter 8: Cookies

"Mas ayos kung papaltan mo 'yung 'Stephen' ng pangalan ko."

"Mas ayos kung papaltan mo 'yung 'Stephen' ng pangalan ko."

"Mas ayos kung papaltan mo 'yung 'Stephen' ng pangalan ko."

Paulit-ulit na nag-peplay 'yung statement na 'yun sa utak ko. Nagpanggap ako na di ko narinig pero sure ako na 'yun ang sinabi n'ya.

"WAAAAH! Umalis ka sa utak ko, pleaseeeee!" sigaw ko habang 'yung unan ay nasa mukha ko.

Ano ba kasing ibig niyang sabihin d'un?! Anong gagawin ko? HEY RENZO?!?! WAAAAAAHH.

**

"Eyebags mo ah. Di ka natulog?" pang-aasar ni Shena habang nag-lolocker kami.

"'Di nakatulog ng ayos eh."

Binuksan ko ang locker ko at biglang sumalubong sakin ang isang malaking pack ng oreo.

"Wow," bigla kong nasabi.

Nabanggit ko ba na favorite ko ang Oreo? Lahat naman ata ng cookies ay paborito ko. Pero may top 3 akong pinakapaboritong cookies at isa nga ang Oreo d'un.

"Oreooooo!" sigaw ni Shena pagkakikita ng Oreo sa locker ko.

"Oooopssss. Akin 'yan lahat," sabi ko sa kan'ya sabay belat.

Iniwan ko 'yung Oreo dun at mamaya ko kakainin sa review ng Math Varsity.

***

"Wow, Lauren. Saan mo binili 'yan?" tanong ni Ate Mae pag kapasok ko palang.

"Ewan ko po. Nakita ko lang sa locker ko kanina eh," pag-eexplain ko.

"Talaga? Secret admirer. *ehem* Yieeee."

Ewan ko pero parang pilit 'yung 'ehem'. Ngumiti nalang ako bilang reply.

Nagpunta ako sa isang vacant part nung malaki naming lamesa. May pinabigay si Miss na activity paper. Pinasagutan niya sa amin for 30 minutes. Ang masaya dito, pwedeng kumain habang nagsasagot. Binuksan ko 'yung Oreo at nilagay sa gitna nung table, para makakain rin 'yung iba.

Nagsasagot ako habang pakuha-kuha ako ng Oreo nung mapansin kong 'di naman nila binabawasan.

"Uy. Kuha po kayo," sabi ko.

Tapos lahat sila nagtinginan sa isa't-isa hanggang bumaling 'yung tingin nila sa isang tao, si Ate Mae.

"O bakit kayo gan'yan makatingin?" sabi ni Ate Mae.

Tapos lahat sila ay tumungo at nagsagot na ulit. Tumingin ako kay Renzo na nasa unahan ko, nakatingin rin s'ya sa akin.

"Uy, kuha ka oh," sabi ko tapos itinapat sa kan'ya 'yung Oreo.

"Salamat," tapos kumuha s'ya ng isang piraso.

Natatawa ako kasi parang hiyang-hiya s'ya na kumuha d'un sa Oreo. Nung kumuha sya, kumuha na rin si Ate Mae tapos nagsunod-sunod na. Parang domino effect lang ang pag-kain ng Oreo eh.

Tinapos ko na 'yung quiz tapos after five minutes ay bumalik na si Miss.

"Hindi nating che-checkan 'yan. I-didiscuss n'yo lang 'yung sagot sa mga partners n'yo.  'Yung permanent pairing natin ay alphabetically arranged. So go to your partners now."

Agad kong hinanap ang partner ko. Ayun. Si Ate Mae. Untalan s'ya eh. Tapos Verana ako.

"Ate. Ako ba partner mo?" tanong ko.

"Ay hindi. Kami ni Lena ang magkapartner eh," sagot n'ya.

So ibig 'yung kasunod ko na sa listahan ang partner ko.

"Lauren, Verana ka 'di ba?" sabi ni Renzo.

"Yup," simple kong sagot.

"Ayun. Tayo mag-pair."

Oo nga pala! Villanueva  nga pala surname nya.

So nag-start na kaming mag-discuss ng answers.

"Uy. Free ka ba mamaya?" bigla n'yang tanong after naming mag-check ng sagot.

"Uh... oo. Bakit naman?" tanong ko.

"Pwede mo ba ako samahang bumili nung mga gagamitin para sa Math Fest. Ako inassign ni Miss Castro eh. Tapos magsama daw ako ng isang member. Pero busy silang lahat," pag-eexplain.

"Ah. Sige. Wala naman akong gagawin," sagot ko.

Tapos bigla kong naalala.... nagpapasama nga pala ang kapatid ko sa mall mamaya!

*****

Author's Note:

Hello. I'm sorry for not updating for a couple of days. Really, the school year had jsut started, and schoolworks are already piling up. There's like not a day that won't pass by without a headache attacking me. So sorry. I promise to keep up when schoolworks lighten. I also apologize if you think this is crap because I myself would admit that I can do better.

Thank you. I hope you still liked it.

Please vote! Comments are highly appreciated.

And please be my fan. It would mean a lot to me.

Take care and smile.

M I S S R E D

xxx

And Then I Fell.

And Then I FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon