And Then I Fell [5]

872 32 4
                                    

Chapter 5: Male Version

Lauren Margaret's POV

Kilala ko na talaga si Mystery Guy .k.a. Mr. Umbrella. Kaya pala familiar yun. SYA SI RENZO! 'Yung nagturo sa'min sa Math! A'YUN. AT LAST MASASAULI KO NA 'YUNG PAYONG N'YA.

M O N D A Y

"Uy, pasama naman sa Math room mamayang lunch," pag-yaya ko kay Shena since maya-maya ay lunch break na. Isasauli ko kasi yung payong kay Renzo eh.

"Ala. Di ako makakasama, may meeting ang guild eh," sagot n'ya.

Tumango ako.

"Oh. Oo nga pala. Gege."

So ako nalang mag-isa mag-sasauli n'un. Naman eh. Nahiya naman ako. Bigla ko nalang kasing kinuha 'yun eh. Ni hindi ko nga sure kung para sa'kin talaga 'yun. Nakakahiya talaga. Ano nalang sasabihin n'ya? Baka mag-mukha akong tanga sa harapan n'un! Pero kaya ko 'to. Kelan na ba ako umurong?!? Saka sayang naman ang katarayan at self-confidence ko 'noh.

Na-interrupt ng tunog ng bell ang pag-dedaydream ko.

Nag-start ng mag-evaporate ang mga tao sa room at nung di na sila nagsisiksikan palabas, lumabas na ako ng may hawak na payong. Ang weird lang kasi may hawak akon payong eh di pa naman ako uuwi. Alangan naman magpayong ako sa loob ng cafeteria di ba?

Dumeretso ako sa Math room. Kumatok muna ako tapos binuksan ko 'yung pinto.

"Si Renzo po?" tanong ko d'un sa isang girl dun na Math varsity din ata.

"Ah saglit," sabi nya tapos bigla syang sumigaw "RENZOOOOO! May naghahanap sa'yo!"

Tapos mag sumagot.

"Sino daw?!?!" Si Renzo ata 'yun.

"Ah ano ngang pangalan mo?" tanong nung girl sa'kin.

"Uhh, Lauren Margaret po," sagot ko.

Tapos biglang ngumiti yung babae.

"Ah. Ikaw pala yun," HUH? Anong ako PALA 'yun?!?! "RENZOOOO! Dalian mo na! Hindi magandang pinaghihintay si LAUREEEEEN!"

Natawa naman ako kasi bingyan nya talaga ng emphasis yung name ko. Mga after two seconds dumating na si Renzo. Naka-dark blue na jacket sya tapos naka-eye glasses. Nag-eeye glasses pala 'to.

"Oh sha, mauna muna ako. Lunch na rin naman eh. Gege. Bye Renzo. Bye Lauren," sabi nung girl kanina.

Tumingin sa'kin si Renzo. As in yung straightly looking at me.

"Uhh... ano... payong mo 'to 'di ba?" kinakabahan kong sabi.

"Ah. Oo," sagot nya habang nakatitig pa rin sa'kin.

"S-Sorry kung kinuha ko ha?" sabi ko sa kan'ya.

"Ah. Hindi. Sadya 'yun," sabi n'ya, pero this time, sa sahig na sya nakatingin.

"Ha?" confused kong tanong.

"Sadya namang para sa'yo 'yan eh," mahina n'yang sabi. Mahina pero tama lang para marinig ko.

"Ah... eh. Ano, salamat ha," sabi ko sabay abot nung payong.

Ngumiti lang sya at tumango. Tahimik lang kami for like 30 seconds ng nag-salita sya.

"Uh... kumain ka na?"

Parang ang awkward nung tanong nya kaya umiling nalang ako.

"Ano... sabay nalang tay-o?" tanong n'ya.

"Uhmm... sige," sagot ko.

Actually, hihindi dapat ako. Kaso, pambawi man lang dun sa paggamit ko nung payong. Huminga sya ng malalim at ngumiti.

Lumabas na kami at dumiretso sa cafeteria. Sabay kaming naglalakad pero walang imikan. Nakatingin lang ako sa daan habang kagat-kagat 'yung lower lip ko habang sya naman ay dere-deretso lang din habang naka-bulsa yung parehas na kamay.

"Ano kakain mo?" tanong ko para medyo mawala naman yung awkwardness.

"Ewan. Kung ano nalang siguro 'yung sa'yo," sagot n'ya.

Duh. Eh kaya ko nga s'ya tinatanung kasi kung ano 'yung kan'ya yun yung akin. Sa halip na pilitin ko sya na sabihin ang kakainin n'ya, naisip ko na ako na nga lang mag-dedecide.

"Uhmm, mag-bebake mac ako. Ikaw?" sabi ko sa kan'ya.

"Mag-fefettuccine nalang ako para parehas nalang tayo nang bibilhan," sabi n'ya.

Naglakad na kami papunta dun sa bilihan ng Italian Food. Bumili rin ako ng Tropicana burst tapos C2 yung binili nya.

"Wala ng vacant table," sabi n'ya. Tumingin ako sa paligid. WALA NA NGA.

"UGH. Saan tayo kakain?" tanong ko.

"Uhmm... alam ko na," sabi n'ya tapos hinawakan nya 'yung left hand ko habang hawak nya sa right hand nya 'yung plastic bag.

Dinala n'ya ako sa rooftop. Oo, umakyat kami ng hagdan. Pero worth it naman. Ang tahimik dito tapos ang hangin.

Umupo kami sa may pader. Magkatabi kami. Nag-start na akong kumain, tapos sumunod na sya.

"Magkwento ka naman," sabi ko. Ang weird kaya na sobrang tahimik namin.

"Ah... ano naman ikukwento ko?" tanong n'ya.

"Tungkol sa sarili mo?" sagot ko naman.

"Uhmm, ako si Laurence Mirgel Villanueva-"

"HAHAHAHAAHAHAH!" napatigil sya sa pagsasalita kasi natawa ako.

"Anong nakakatawa?" seryoso n'yang tanong.

"'Yung pangalan mo! Grabe. Male version ng name ko? Lauren Margaret Verana at Laurence Mirgel Villanueva. WOW!" sabi ko.

"OO NGA 'NOH!" tapos nakisama na sya sa pagtawa.

Nag-usap lang kami ng nag-usap d'un. Parang getting-to-know.

"Ako kasi 'yung tipo ng tao na hindi madaling magtiwala..." sabi n'ya. "Para kasing laaht ng tao ngayon eh may gagawin nang masama."

"Tama ka d'yan. Mahirap na 'noh. Delikado na ang mundo," sagot ko naman.

Grabe parang super parehas 'yung opinions namin sa lahat ng bagay.

"Uhmm... na-in love ka na ba?" tanong n'ya.

"Ako? Hindi pa. Para ngang never akong ma-iin love," straight kong sagot.

"Alam mo, gan'yan din ako dati. As in walang pakialam sa 'love.' Pero bigla syang dumating..." sagot nya habang nakatungo.

"Naks! Ewan ko rin. Siguro someday. Pero ngayon wala talaga eh," sagot ko. Totoo naman eh.

"Hahaha. Ang weird ng pinag-uusapan natin."

"Oo nga eh."

May mga ilan pang bagay kaming napag-usapan hanggang sa mag-tatime na, so nag-decide na kaming bumaba.

Na-realize ko lang na ang dami pala naming pagkakapareho. As in more than sa pangalan. Siyang-siya talaga 'yung male version ko.

****

A/N:

Waaah. Di ko 'to napublish kahapon. Sorry. Anyway, eto na rin naman. x)

Last day na ng bakasyon. Ang pangit ng huling araw.

1. Talo ang Celtics. T_T

2. Talo si Pacman. >.<

at

3. MAY PICTURE SI JESSICA AT ZAYN.

Selos lang ako. X)

Ayun, hihihi. Sana nagustuhan n'yo.

Vote, Comment, and be my fan. Pleaseeee. :)

Take care and smile.

Much love. xx

M I S S R E D. xx

And Then I Fell.

And Then I FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon